Just in! ABS-CBN Magkakaroon Ng Merger Sa Isang TV Network

Biyernes, Disyembre 29, 2023

/ by Lovely


 Inaabangan ngayon ng mga ABS-CBN fans ang sinasabing matinding pasabog ng network sa darating na taong 2024.


Ayon sa mga kumakalat na usap-usapan magkakaroon umano ang ABS-CBN ng malaking merger. Nagsisimula na umano ang pag-uusap sa pagitan ng ABS-CBN at isang malaking network.


Hawak na umano nito ang panibagong partnership deal kung saan pagsasama-samahin ng dalawang networks ang kanilang mga resources, kabilang na ang production, news gathering at operations.


Ayon sa mga sources, ang original deal ay naglalayong bigyan ang parehong media entity ng fifty-fifty partnership stakes. Ibig sabihin magkakaroon sila ng pantay na rights patungkol sa business, editorial programming at acquisitions in the future.


Sa ngayon ay hindi pa umano napi-finalize ang nasabing kontrata at pinag-iisipan pa ng dalawang kampo kung may kailangan pang idagdag o ibawas sa mga  clauses nito.


Samantala, matagal nang naging usap-usapan noon ang pagkakaroon ng merger ng ABS-CBN sa isang network subalit ngayon lamang umano ito na push through.


May mga palabas naman ngayon ang ABS-CBN na lumalabas sa ibang mga networks bilang mga blocktiming partnership. Katulad na lamang ng TV5, GTV at GMA7.


Kung saan ipinapalabas ng mga nasabing network ang piling programa ng ABS-CBN.


Matatandaan na nagsara ang ABS-CBN Network noong 2020, matapos mai-deny ang kanilang franchise renewal. Marami ang mga nanawagan noon na sana ay bigyan ng pagkakataon ang nasabing network at huwag tuluyang ipasara dahil marami ang maapektuhan nito kabilang na ang mga nagtatrabaho ritong mga staffs at mga artista.


Sa kabila nito, nanindigan ang mga mambabatas na dapat itong ipasara dahil sa mga nakikita nilan violations ng nasabing network.


Gayunpaman, tila unti-unti nang nakabangon muli ang ABS-CBN sa pamamagitan ng pakikipagpartner nila sa ibang mga networks at sa paggamit nila ng mga  online platforms para makapagpatuloy ang kanilang mga programa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo