Xian Gaza Tinawag Na Biyanang Pakialamera si Annabelle Rama

Lunes, Disyembre 11, 2023

/ by Lovely


 Hindi na napigilan ng social media personality na si Christian Albert Gaza mas kilala bilang Xian Gaza na tawagin ang talent manager na si Annabelle Rama na ‘biyenang pakialamera’ matapos niyang pag-usapan ang diumano’y paghihiwalay ng kanyang anak na si Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Matatandaan na tila inamin na rin ni Annabelle Rama sa publiko ang hiwalayan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ng ipahayag niya sa isang panayam na wala na siyang oras para kausapin pa si Sarah Lahbati.


Bukod pa rito, isiniwalat din ni Annabelle Rama ang pagiging magastos ni Sarah Lahbati habang nakasubsob sa trabaho ang kanyang anak na si Richard Gutierrez.


Samantala, nitong December 8, ibinahagi ni Xian Gaza kung paano naging dahilan ng paghihiwalay ng ilang mag-asawa ang ilang in-laws.


Sa isang social media post, binati ni Xian Gaza ang lahat ng mga mother in-law maliban kay Annabelle Rama dahil sa pagiging pakialamera nito. Dagdag pang banat ni Xian Gaza na ang mga ganitong in-laws ang nagiging bwe-sit sa pagsasama ng mag-asawa.


Ipinunto rin ni Xian Gaza na hindi na dapat pinapakialaman pa ni Annabelle ang buhay ng kanyang anak dahil may sarili na itong pamilya.


Sinang-ayunan naman ng mga netizens ang pahayag na ito ni Xian Gaza, marami ang nagsasabi na noon pa man ay nakikialam na umano itong si Annabelle Rama sa mga buhay may-asawa ng kanyang mga anak.


May mga bumatikos naman kay Richard Gutierrez dahil pinapabayaan lamang umano nito ang kanyang ina na harap-harapang pagsalitaan si Sarah Lahbati ng masasakit na salita tulad na lamang ng ipinapalabas umano nito ngayon na mukhang pera ang aktres.


Hindi rin nagustuhan ng ilang mga netizens ang pahayahag ni Annabelle Rama kung saan sinabi pa nitong hindi pa siya maaring magsalita pero sa huli ay may pasaring ito kay Sarah Lahbati.


Hindi pa rito nagtatapos ang ngitngit ni Annabelle dahil sa kanyang Facebook post ipinahayag pa niya na isang devil woman, sinungaling at manipulative na babae si Sarah Lahbati.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo