Pahayag ni Vice Ganda Patungkol Sa Mga Ina May Pinaparinggan

Lunes, Disyembre 11, 2023

/ by Lovely


 May banat ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga inang inaasa ang lahat ng kanilang responsibilidad sa mga anak na nagtatrabaho lalo na sa showbiz industry matapos madawit sa isyu ang kanyang ina.


Bagama't wala namang binanggit na pangalan si Vice Ganda, hinala ng maraming netizens na ang kanyang tinutukoy ay ang ina ni Andrea Brillantes na naging proud pa umano sa pagpapasa sa kanyang responsibilidad sa kanyang anak.


Matatandaan na may ilang mga fans ni Andrea Brillantes ang nagtanggol sa ina ng Kapamilya actress nang makatanggap ito ng pambabatikos dahil inaasa na lamang umano nito ang lahat ng responsibilidad sa kanyang anak na namamayagpag sa mundo ng showbiz.


Ayon sa pagtatanggol ng mga fans ni Andrea Brillantes sa kanilang mag-ina, hindi lamang si Belle Brillantes ang dapat batikusin dahil umaasa ito sa kanyang anak sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. 


Ayon sa fan, dapat ring batikusin ang ina nina Vice Ganda, Judy Anne Santos, Kathryn Bernardo at iba pang mga artista dahil umaasa rin naman ito sa kanilang mga anak na nagtatrabaho rin sa showbiz.


Kaagad naman itong inalmahan ni Vice Ganda sa kanyang Twitter post, iginiit ni Vice Ganda na kailanman ay hindi umasa sa kanya at sa kanyang kinikita ang kanyang ina.


Ayon pa kay Vice Ganda, nagkanda-kuba ang kanyang ina sa pagtatrabaho sa Amerika bilang OFW para lamang itaguyod sila ng kanyang pamilya at kahit nakapagtrabaho na umano siya sa showbiz ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagtatrabaho.


Proud din na ipinahayag ni Vice Ganda na hindi iresponsable ang kanyang ina at higit sa lahat hindi umano ito kumukha sa kanyang sweldo.


Ipinunto pa ni Vice Ganda na hindi karapa't dapat na ikumpara ng mga netizens ang kanyang ina sa iba pang mga ina na umaasa sa kanilang anak dahil hindi umano ganoon ang kanyang ina.


Samantala, ipinahayag naman ng ilang mga netizens na talagang nasapul sa naging pahayag ni Vice Ganda ang ina ng controversial actress ngayon na si Andrea Brillantes dahil sa pagiging proud nito na binubuhay na sila at umaasa sila sa kita ni Andrea sa showbiz at sa mga negosyo nito.


Nag-ugat ang usaping ito ng ipagtanggol ni Belle Brillantes ang kanyang anak laban sa mga bumabatikos ritong  KathNiel fans dahil sa pagkakadawit ni Andrea sa hiwalayan ng long time celebrity couple.


May mga nagtanong sa ina ni Andrea kung paano nito pinalaki ang kanyang anak na naiisyung mang-aagaw ng lalaki.


Kaagad naman itong sinagot ng ina ni Andrea Brillantes kung saan tila ipinagyabang nito ang ginawa ni Andrea sa kanilang pamilya, kabilang na ang pagpapaaral sa kanyang mga kapatid, pagpapatayo ng bahay para sa kanila at pagpupundar ng sariling negosyo.


Imbes na hangaan, napasama pa ang ina ni Andrea Brillantes sa mga fans ng KathNiel dahil binabatikos siya nito sa pagiging irresponsableng magulang dahil sa pagpasa niya sa kanyang mga responsibilidad sa kanyang anak.


Ipinunto pa ng mga fans na ang pagpapaaral, pagpapatayo ng bahay ay hindi naman responsibilidad ni Andrea Brillantes kundi nilang mga magulang nito.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo