The Voice Philippines Mapapanuod Sa Kapuso Network!

Lunes, Disyembre 11, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga online news platforms ang bali-balitang sa GMA Network na mapapanood ang The Voice Philippines.


May mga naglabasang ulat kamakailan lamang na ang isa sa mga regular na singging competition na The Voice dito sa Pilipinas ay mapapanood na sa panibagong tahanan.


Ayon sa mga nakapanood sa finale sa spin of ng The Voice, na The Voice Generation, inanunsyo umano ng isa sa mga hosts nito at leading man ng pelikulang Rewind na si Dingdong Dantes sa huling bahagi ng palabas.


Gayunpaman, hindi pa rin kumpirmado ang nasabing ulat, hindi pa naglalabas ng pahayag ang GMA hinggil rito.


Ang The Voice Philippines ay maituturing na isa sa mga top singing programs noon ng ABS-CBN para ito mawalan ng prangkisa. Naging daan ang nasabing singing competition para sa ilang mga aspiring singers na ipakita sa buong bansa ang kaniang talento.


Ang itinanghal bilang grand winner ng The Voice ay sina Mitoy Yonting at Jason Dy. Bukod sa kanilang may ilan pang singers na produkto ng The Voice na hanggang ngayon ay sumisikat parin at namamayagpag sa singing scene kabilang na sina Klarisse De Guzman, Darryl Ong, Morissette at marami pang iba.


Bukod sa mga singers, tumatak rin ang mga mentors at coaches ng The Voice na kilalang magagaling na singer sa bansa na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo at Apl. de ap.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo