KathNiel May Two Upcoming Projects Kahit Hiwalay Na

Lunes, Disyembre 11, 2023

/ by Lovely


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang KathNiel loveteam nang kumalat ang mga larawan na umanong magkakasama at magkakatambal pa rin sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa mga pelikula at teleserye.


Kumakalat ngayon sa social media ang umanong mga upcoming projects ng aktor na si Daniel Padilla sa susunod na taon.


Kabilang na rito ang pagsasamahan nila ni Zanjoe Marudo na pinamagatang Nang Mapagod si Kamatayan, The Guest na pagsasamahan naman nila ni John Arcilla, After Forever na muling pagtatambalan nila ni Kathryn Bernardo, 2gether Un4ever na makakasama naman niya sina Piolo Pascual at Claudine Barretto, at ang Praybet Bejamin 3 na pagsasamahan nilang muli ni Kathryn Bernardo at Vice Ganda.


Gayunpaman, wala pa ring kumpirmasyon kung matutuloy pa ba ang mga projects na ito matapos ang hiwalayan ng dalawa na kamakailan lamang ay inamin nila sa publiko.


May ilang mga KathNiels fans naman na umaasa na magkakasama muli ang dalawa kahit sa teleserye o sa pelikula na lamang.


May mga nagsasabi naman na malabo na itong matuloy dahil makakaramdam na umano ng pagka-awkward ang dalawa dahil sa nagtapos nilang relasyon.


Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay naging magkaloveteam sa loob ng 12 years habang naging real couple naman sila sa loob ng 11 years. Ginulat nila ang publiko nang aminin nitong November 30, 2023 ang kanilang paghihiwalay.


Hindi naman nilinaw ng dalawa ang pinag-ugatan ng kanilang gulo subalit ayon sa mga hinala ng netizens na third party ang dahilan sa katauhan ni Andrea Brillantes.


Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ang kanilang romantic relationship lamang ba ang nagtapos o maging ang kanilang pagiging magka-on screen partner ay nagtapos na rin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo