Sarah Lahbati Naglabas Ng Resibo Na Hindi Siya Umaasa Kay Richard Gutierrez Sa Pera

Lunes, Disyembre 11, 2023

/ by Lovely


 Hindi na nakatiis ang batikang aktres at talent manager na si Annabelle Rama nagbigay na siya ng pahayag hinggil sa isyu ng hiwalayan ng kanyang anak na si Richard Gutierrez at asawa nitong si Sarah Lahbati.


Bagama't hindi pa nililinaw ng dalawa ang kanilang estado at kung totoo nga bang naghiwalay na sila, tila si Annabelle na mismo ang nagpahiwatig na matagal na ring hindi nagsasama ang dalawa.


Ayon sa naging pahayag ni Annabelle Rama sa isang panayam sa kanya, mahigit isang buwan na umanong nasa kanya si Richard Gutierrez. Subalit naglilipat na umano ito ng gamit sa kanyang bahay sa Alabang dahil lilipat na umano ito roon after Christmas.


Ipinahayag naman ni Annabelle Rama na hindi pa siya maaaring magbigay ng kabuuang detalye subalit ang masasabi lamang niya ay nasa kanya si Richard at wala siyang oras para kausapin si Sarah Lahbati.


Naging mainit din ang sagot ni Annabelle Rama sa isyung pagwawaldas ng pera. Ayon pa rito, habang abala sa pagtatrabaho ang kanyang anak at nagwawaldas naman ng pera ang isa.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang hindi naniniwalang isyu sa pera ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa dahil hindi naman umano mahirap ang pamilya ni Sarah Lahbati.


Bukod pa rito, hindi naman nawawalan ng mga endorsements si Sarah Lahbati kaya naman may pera naman umano ito para panggastos sa kanyang mga luho.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang naniniwalang may iba pang dahilan kung bakit naghiwalay ang mag-asawa. Hinala ng marami na ang pakikialam ni Annabelle ang dahilan kung bakit lumaki ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa.


Kaagad naman din itong pinabulaanan ni Annabelle Rama at sinabing hindi niya gusto na maghiwalay ang dalawa dahil mahal na mahal niya ang kanyang mga apo. Ipinahayag pa niya na ang pinagmulan ng malaking gulo ay ang pagdating sa bansa ng mga magulang ni Sarah Lahbati.


Sa ngayon ay patuloy naman nananahimik si Richard Gutierrez hinggil sa isyu, hindi ito nagbibigay ng anumang reaksyon sa mga isiniwalat ng kanyang ina.


Sa kabilang banda, tila malapit na ring maubos ang pasensya ni Sarah Lahbati sa mga pasaring ni Annabelle Rama. Makikita sa kanyang mga social media post ang sunod-sunod na pagpi-flex niya sa kanyang mga achievement s a tila ba  ipinamumukha nito kay Annabelle Rama na hindi naman siya umaasa sa pera ni Richard Gutierrez.


Sa kamakailang panayam kay Sarah Lahbati, tila kinontra niya ang pahayag ni Annabelle tungkol sa pagwawaldas ng pera at ang sinabi nitong nasa puder nito ang mga anak nila ni Richard Gutierrez.


Ipinahayag ni Sarah Lahbati na noon pa man ay hands-on na siya sa pag-aalaga sa kanyang mga anak at kahit ngayong nagbalik na siya sa showbiz ay hindi naman niya pinapabayaan ang mga ito.


Maging ang mga magulang ni Sarah Lahbati ay nagpapahayag na rin ng banat kay Annabelle Rama dahil sa hayagan na nitong pambabatikos at pambabanat sa kanila.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo