Sarah Lahbati Tinawag Na Devil Woman ni Annabelle Rama

Lunes, Disyembre 11, 2023

/ by Lovely


 Tila may nakawalang dragon na natutulog sa kweba sa bahay nina Annabelle Rama. Naging sunod-sunod na ang kanyang mga pasaring at mga banat kina Sarah Lahbati at sa pamilya nito.


Matatandaan na tila bumwelta ang mga magulang ni Sarah Lahbati kay Annabelle Rama kung saan ipinahayag ng mga ito sa kanilang social media post na tila isang aso si Annabelle na tahol ng tahol sa pagbabahagi sa pinagdadaanang isyu ng mag-asawa.


Hindi naman nagpapigil si Annabelle at kaagad ring bumwelta kung saan tinawag pa niyang devil woman si Sarah Lahbati dahil sa pagiging pa-victim nito. Tinawag rin itong sinungaling ni Annabelle Rama at makamandag.


Sa kanyang Facebook post naging tahasan na ang pagpapasaring ni Annabelle Rama kay Sarah Lahbati at sa mga magulang nito.


Sa ngayon mahihinuhang lumalaki na ang gulo sa pagitan nina Annabelle Rama, Sarah Lahbati at mga magulang nito. Lumalala na rin ang kanilang mga sagutan sa social media.


May mga bumabatikos rin kay Richard Gutierrez dahil hinahayaan lamang umano nito ang kanyang ina na batikosin at paringgan ang kanyang asawa. Tila wala na rin umanong pakialam ang aktor na nagkakagulo na dahil patuloy lamang ito sa kanyang pananahimik.


Matatandaan na naunang nagbigay ng pahiwatig si Annabelle Rama na may hindi magandang nangyayari sa pamilya ng kanyang anak na si Richard Gutierrez nang ipahayag niya na wala na siyang oras na makipag-usap pa kay Sarah Lahbati.


Bukod pa rito, isiniwalat din ni Annabelle na habang subsub sa trabaho ang kanyang anak ang isa naman umano ay walang ibang ginagawa kundi ang magwaldas ng pera.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang humihiling na sana ay pag-ayusin na lamang ni Annabelle Rama ang mag-asawa a huwag nang sumawsaw pa para lalong magkagulo ang mga ito.


Marami rin ang nagsasabi na dapat sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang mag-usap para magkaayos sila hindi iyong nagiging sunod-sunuran sila sa kani-kanilang mga magulang.


Sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag si Richard Gutierrez hinggil sa isyu nila ni Sarah Lahbati. Maging si Sarah Lahbati ay tumatanggi rin sa mga panayam, hindi rin nito sinasagot ang mga personal na katanungan sa kanya lalo na ang relasyon nila ni Richard Gutierrez.


Hiling naman ngayon ng kanilang mga tagahanga na sana ay magkaayos na sila dahil ang mas maapektuhan nito ay walang iba kundi ang kanilang mga anak.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo