Kathryn Bernardo, Kinalimutan na Kaagad Si Daniel Padilla

Lunes, Disyembre 11, 2023

/ by Lovely


 Nagkaroon ng idea ang mga solid fans ng aktres na si Kathryn Bernardo kung nasaan ito ngayon base sa mga larawan na ibinahagi nito sa kanyang social media accounts.


Kaagad itong nirepost ng kanyang mga fans kalakip ang kanilang pagbati para sa buong pamilya ni Kathryn Bernardo. Bagama't walang ibinunyag na lokasyon ang aktres, positibo at naniniwala ang kanyang mga fans na naroon na sa kanilang dream house ang aktres.


Makikita pa sa mga larawan ng aktres na nag-aayos sila ng mga damit na tila indikasyon umano na lumipat na ang mga ito sa kanilang panibagong tahanan.


Kabilang din sa mga ibinahaging larawan ni Kathryn Bernardo ang pagsi-celebrate nila kasama ang pamilya at mga malalapit niyang kaibigan.


Bukod pa rito, ipinasilip din ni Kathryn Bernardo sa kanyang mga fans ang hagdanan ng kanilang bagong tahanan kasamang muli ang kanyang mga kaibigan at pamilya.


Hinala ng mga fans ni Kathryn Bernardo na natapos na ang construction ng ipinapagawa niyang dream house nila ng kanyang pamilya at kakalipat pa lamang nila ngayon upang doon na isi-celebrate ang pasko at salubungin ang bagong taon.


Matatandaan na noong February 2023, pa ang huling pagbabahagi ni Kathryn ng update sa nasabing pinapagawa niyang dream house sa Rizal.


Binati pa noon ni Kathryn Bernardo ang kanyang ina dahil after 3 years of planning at after another three years of construction ay malapit na silang lumipat sa kanilang pinapangarap noon na bahay.


Samantala, kapansin-pansin rin ngayon ang tila patuloy na pagpapasilip ng aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang alindog sa kanyang mga social media accounts.


Malayong-malayo sa mga nakasanayan ng mga fans na balot na balot na Kathryn gayunpaman, marami pa rin ang natutuwa ngayon para sa aktres dahil tila nagiging mas malaya na ito sa paggawa ng kanyang gusto dahil wala nang pumipigil pa rito.


Marami rin ang nakapansin na nakakangiti na ngayon si Kathryn na tila ba ay unti-unti nang nakakamove on sa nangyaring hiwalayan nila ng kanyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla.


Samantala, hanggang ngayon ay nananatiling palaisipan pa rin para sa mga netizens ang totoong dahilan ng hiwlayan nila ni Daniel Padilla. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nililinaw ang isyu at kung totoo nga bang may kinalaman si Andrea Brillantes.


Gayunpaman, ang mas pinagtutuunan ngayon ng pansin ng mga netizens ay ang pagbangong muli ni Kathryn na mas matatag at mas maganda.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo