Sarah Lahbati Mawaldas Sa Pera Kaya Iniwan Ni Richard

Biyernes, Disyembre 8, 2023

/ by Lovely


 May inilabas na malaking pasabog si Annabelle Rama patungkol sa napapabalitang hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Tila kinumpirma na rin nito ang nangyaring hiwalayan ng dalawa kahit pa hindi pa umano siya maaring magbigay ng anumang detalye patungkol sa nasabing isyu.


Niri-respeto pa rin niya ang desisyon ng kanyang anak at asawa nitong si Sarah Lahbati sa kung kailan nila balak na ipaalam sa publiko ang nangyari sa kanilang pagsasama.


Gayunpaman, hindi pa rin napigilan ni Annabelle Rama na magbigay ng tila clue sa kung saan nagsimula ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa.


Tila hindi na napigilan ni Annabelle Rama na magkomento pa lalo na't kumalat noon ang mga larawan ni Richard Gutierrez kasama ang isang aktres na si Kazel Kinouchi.


Bagama't pinabulaanan na ni Kazel ang kanyang pagkaka-link kay Richard Gutierrez tila paraan na rin ito ni Annabelle para linisin ang pangalan ng kanyang anak.


Isiniwalat ni Annabelle Rama na nasa kanyang puder ngayon si Richard Gutierrez at mag-iisang buwan na umano itong nasa kanya. Naroon din umano ang mga anak nito na sina Zion at Kai.


Naitanong din kay Annabelle Rama kung ano ang dahilan ng hiwalayan nina Richard at Sarah Lahbati. Kaagad namang nagbigay ng pahayag si Annabelle kung saan may kinalaman sa pera ang naging sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa.


Ayon kay Annabelle, trabaho umano ng trabaho ang kanyang anak habang nagwawaldas naman ng pera ang isa.


Hindi naman makapaniwala rito ang ilang mga netizens dahil may kita rin naman si Sarah Lahbati dahil kahit wala na itong mga pelikula at teleserye ay hindi naman nahinto ang mga endorsement nito.


Sa ngayon ay unti-unting naglilipat umano ng gamit si Richard para sa bahay nito sa Alabang. Matatandaan na sa Ayala, Alabang namataan na magkasama sina Richard Gutierrez at Kazel Kinouchi na ayon sa paglilinaw ni Kazel ay magkapitbahay sila roon.


Dahil sa mga sinabi ni Annabelle Rama, lalong lumakas ang kutob ng mga netizens na totoong nagtapos na ang relasyon nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Marami naman ang hindi naniniwala na envolve ang pera sa kanilang paghihiwalay dahil tila hindi naman umano ito kapani-paniwala dahil hindi naman naghihirap sina Sarah Lahbati at Richard.]


May ilang netizens na naghinala na may kinalaman si Annabelle Rama sa hiwalayan ng dalawa lalo na't hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may hindi pagkakaunawaan sa pagitan nito at sa mga magulang ni Sarah Lahbati.


Sa ngayon, hinihintay ng mga netizens ang mga opisyal na pahayag nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez patungkol sa kanilang hiwalayan.


@mjfelipe28 Lumipat na ng bahay si Richard Gutierrez. Magjajapan ang buong pamilya at hindi kasama si Sarah #annabellerama #richardsarah #gutierrez #hiwalayan #marites #chismis #tiktokph #fyp #fypage ♬ original sound - MJ Felipe

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo