Andrea Brillantes Nagsalita Na Tungkol Sa Kanila Ni Daniel Padilla!

Biyernes, Disyembre 8, 2023

/ by Lovely

Sa kauna-unahang pagkakataon nagpaunlak na sa isang interview ang aktres na si Andrea Brillantes matapos ang pag-amin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kanilang hiwalayan kung saan si Andrea Brillantes ang itinuturong dahilan.


Kaagad na nagtrending sa social media ang interview na ibinahagi ni MJ Malfori kay Andrea Brillantes. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Andrea Brillantes ang pinaghihinalaan na totoong salarin sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Subalit, tumanggi naman si Andrea Brillantes na magbigay ng pahayag patungkol sa nasabing isyu. Dinedma lamang ito ng aktres at hindi na siya nagbigay pa ng anumang komento upang hindi na lumaki pa ang isyu.


Ayon pa kay Andrea Brillantes, abala siya ngayon sa kanyang teleserye na Senior High kaya naman tuloy pa rin ang kanyang buhay sa likod ng mga kinakaharap niyang pambabatikos.


Dahil dito, patuloy na binabatikos si Andrea Brillantes dahil malakas ang hinala ng mga netizens na ito ang sumira sa matagal nang relasyon ng KathNiel.


Ibinahagi rin ni Andrea Brillantes na naging inspirasyon niya sa pandededma sa mga bashers ang kanyang katauhan sa Senior High.


Inamin ni Andrea Brillantes na noon ay sugod lamang siya ng sugod subalit napagtanto umano niya ngayon na kailangan rin niyang mag strategized para hindi siya ang napapahamak sa huli.


Matatandaan na noong November 8, 2023 unang lumabas ang isyu kung saan nadawit ang pangalan ni Andrea Brillantes sa hiwalayan ng KathNiel, matapos ang pagsisiwalat ni Ogie Diaz.


Marami pa noon ang hindi naniniwala sa isyu subalit nang aminin ng celebrity couple ang kanilang hiwalayan noong November 30 ay si Andrea naman ang pinagbubuntungan ng sisi ng mga netizen lalong lalo na ng mga fans.


 


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo