Bea Borres, Nagsorry Sa Kanyang Insensitive Video Tungkol Sa KathNiel Break up

Biyernes, Disyembre 8, 2023

/ by Lovely


 Humingi na ng paumanhin ngayon ang aktres na si Bea Borres dahil sa ibinahaging video niya sa kasagsagan ng pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang hiwalayan.


Noong November 30, matapos aminin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanyang hiwalayan, nagbahagi ng isang video si Bea Borres kung saan ipinahayag niya na siya talaga ang totoong dahilan ng hiwalayan ng KathNiel. 


Ilang beses din niyang inulit na siya talaga ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa at wala umano siyang magagawa dahil maganda siya.


Kaagad naman itong ikinainis ng mga KathNiel fans dahil napaka-insensitive umano ng ginawa ni Bea Borres na tila pinagtatawanan niya ang relasyon ng KathNiel na nagwakas matapos ang 11 years.


Napaka-insensitive umano ni Bea Borres para makisawsaw pa sa isyu ng dalawa para gawin lamang itong katatawanan.


May mga netizens pa na naghinala na baka ginawa umano ito ni Bea Borres para pagtakpan ang kanyang kaibigan na si Andrea Brillantes na siyang itinuturong third party sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


"etong si tamad akala mo kalevel e HAHAHAHAGA feelingera kala mo talaga sariling sikap para sumikat e kumapit lang naman"


"naniniwala ako na walang kinalaman si blythe sa break up ng kn pero di ito magandang joke sa true lang"


Samantala, nagbigay na ng pahayag si Bea Borres kung saan inamin niya ang kanyang pagkakamali at ang kanyang pagiging insensitive sa mga panahong iyon.


Hiniling din niya na sana ay huwag namang husgahan ang buo niyang pagkatao dahil lamang sa isang insensitive video.


Bukod pa rito, hindi nagustuhan ng ilang mga netizens ang pagbabahagi ni Bea Borres sa kanyang pagdadalamhati sa araw ng pagkamatay ng kanyang ama.



Nagpasalamat naman si Bea Borres sa mga taong patuloy pa ring sumusuporta sa kanya sa kabila ng kanyang mga pagkakamali.


Si Bea Borres ay isa sa malapit na kaibigan ni Andrea Brillantes na nakasama niya sa teleseryeng Kadenang Ginto. Kilala naman ang kanilang grupo na ABCD na binubuo nina Andrea Brillantes, Bea Borres, Criza Ta at Danica Uytingco.


Nauna na ring ipinahayag ni Bea Borres noon na walang kinalaman si Andrea Brillantes sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens patungkol sa public apology ni Bea Borres.


"What I really like about her is that she always admitted when ever she makes a mistake, she sincerely apologizing and that is something to be proud of. We love you Ms. Petty, please don’t mind the bashers"


"but always remember your beautifull di mo kailangang pumareho sa mga nakakasama mo lalo pat mga isip bata at puro landi lang ang alam ng tatlo mong kasama and i know iba ka sakanila bukod sa matapang ka i know your kind po you dont need them po you just need a better person thats make you a sense hindi tulad ng tatlo mong kaibigan"


"Ok lang yan baby girl. Tao tayo. Nagkakamali. Importante yun matuto tayo sa pagkakamali at maging mabuti sa susunod."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo