"Rewind " Ng DongYan: Copycat Ba Ng Hollywood Movie

Huwebes, Disyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Nababahiran ngayon ng kontrobersya ang Metro Manila Film Festival entry ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian na pinamagatang rewind dahil kinopya lamang umano ito sa isang Hollywood movie na may pamagat na If Only.


Maraming mga netizens ang bumabatikos ngayon sa pelikulang Rewind na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil isa umano itong copycat ng Hollywood film noong 2004 na pinamagatang If Only.


Marami sa mga bashers ang nagsasabi na sayang lamang ang kanilang pera sa panonood ng Rewind dahil kaunti lamang ang kaibahan nito sa pelikulang If Only.


May mga netizens pa na nagsasabi na kaya hindi nakakuha ng parangal sa naganap na MMFF Gabi ng Parangal ang pelikulang Rewind kahit pa marami naman ang nagandahan rito ay dahil isa lamang itong copycat movie at hindi naman umano katulad ng ibang mga Metro Manila Film entry na pawang mga original.


Ayon naman sa kampo na nasa likod ng pelikulang Rewind na hindi naman umano maiiwasan na may mga pelikula talaga na magkakahalintulad ng mga storyline pero hindi naman umano ito sinasadya.


Ipinunto pa nila na nakapasok bilang entry ng Metro Manila Film Festival ang pelikula nilang Rewind kaya naman nangangahulugan lamang na original ito dahil isa sa mga pamantayan ng MMFF ay ang originality ng entry.


Sa kabilang banda may mga nagsasabi naman na baka inspired lang siya or adaption siya ng If Only pero may mga differences naman umano ang dalawa kasi sa if only namatay yung asawa tas natakot yung asawa niya sa rewind may lalaki na tumulong kay Dingdong para mabuhay asawa niya.


"yes, nakaka dissapoint.  sayang ang gagaling pa naman ng mga artista natin dito pero nangongopya talaga yung ibang film makers walang originality"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo