Dalawang Kapamilya Aktres Muling Nagkainitan!

Huwebes, Disyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay tila muling nabuyan ang matagal ng isyu at iringan sa pagitan ng dalawang Kapamilya actress.


Naglabas na ng live ang young actress na si Francine Diaz, kung saan nilinaw niya ang isyu sa pagitan nila ni Andrea Brillantes. Matatandaan na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa nang sunod-sunod na magbahagi ng mga cryptic post si Andrea Brillantes na patama kay Francine Diaz patungkol sa pang-aagaw at panlalandi.


Dahil dito nakatanggap ng pambabatikos si Francine Diaz dahil ipinagpalagay ng mga netizens na totoong inagaw nito si Seth Fedelin kay Andrea Brillantes.


Makalipas ang ilang taon, sa wakas ay nilinaw na ni Francine Diaz ang lahat dahil naapektuhan na umano ang kanyang pamilya dahil sa isyung ito.


Ipinagdidiinan ni Francine Diaz na wala siyang inagaw, inahas at nilandi. Sa katotohanan ay siya pa umano ang biktima dahil nadawot ang kanyang pangalan kahit wala naman siyang kinalaman sa isyu ng dalawa.


Nilinaw rin ni Francine Diaz ang isyu noon patungkol sa panunugod umano sa kanya ni Andrea Brillantes sa dressing room matapos mapag-alaman na nagpunta sa kanila si Seth Fedelin na noon ay karelasyon si Andrea Brillantes.


Ayon kay Francine Diaz, wala suguran na nangyari subalit, nakatanggap umano siya ng tawag mula kay Andrea Brillantes, kung saan galit na galit ito sa kanya at napaka aggresive ng pananalita.


Dagdag pa ni Francine Diaz, wala naman umano silang romantic relationship ni Seth Fedelin. Kung anuman umano ang nakikita sa kanila sa harap ng kamera ay ginagawa lamang nila dahil sa trabaho at wala ng iba.


Gayunpaman, naniniwala naman ang ilang mga fans ni Andrea Brillantes na ang panunulsol umano ni Francine Diaz kay Seth Fedelin ang naging sanhi upang tuluyan makipaghiwalay noon si Seth Fedelin kay Andrea Brillantes.


Subalit, dahil sa nangyaring hiwalayan sa pagitang ng matagal ng magkarelasyon na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nagkaroon ng ibang kwento sa naging isyu noon ng dalawa.


Lumalabas na wala naman talagang kinalaman si Francine Diaz sa naging break-up noon nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Ayon sa mga kumakalat na ulat, napag-alaman umano ni Seth Fedelin na palihim na nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla kung saan may nangyayari pa sa dalawa dahil dito, nakipagbreak si Seth kay Andrea Brillantes. 


Gayunpaman, ang hindi maintindihan ng marami kung bakit galit na galit si Andrea kay Francine Diaz gayung siya naman pala ang may kasalanan kung bakit siya iniwan nito dahil sa kanilang ginawa ni Daniel Padilla.


Dahil dito, may naghinala na umano'y nakapag-open si Andrea Brillantes kay Francine Diaz sa nangyari sa kanila ni Daniel Padilla sa mismong bahay ng aktor, Sinabi naman umano ito ni Francine Diaz kay Seth Fedelin na noong jowa ni Andrea Brillantes na naging sanhi ng kanilang hiwalayan.


Dahil dito, nagalit si Andrea Brillantes kay Francine Diaz dahil pakiramdam ng aktres na tinraydor siya ng kanyang inakalang kaibigan upang makuha nito si Seth Fedelin at sila na ang gawing loveteam.


Sa ngayon ay hindi pa naman malinaw kung totoo nga bang may kinalaman si Andrea Brillantes sa hiwalayan ng KathNiel dahil hindi pa naman nagbibigay ng mga pahayag sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Maging si Andrea Brillantes ay hindi pa rin naglalabas ng pahayag si Andrea Brillantes hinggil sa mga panibagong isyu na pinupukol sa kanya.



@berry71725 Chin live in instagram to clear sa issue #francinediaz #franseth #fyp#2023 ♬ original sound - none

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo