Paolo Contis Harap Harapang Inasar at Binast0s Ang TVJ

Martes, Disyembre 19, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng muling umiinit na balita patungkol sa agawan ng titulo ng noontime show na Eat Bulaga, nagtataka umano ang mga host ng nasabing show kung saan nanggagaling ang hakahaka patungkol sa kanila at sa pagpapakalat umano ng mga balita patungkol sa kanila na wala naman umanong katotohanan.


May mga nagpadala umano ng mga mensahe sa kanila kung saan nagresign na umano bilang host ng show si Paolo Contis dahil hanggang sa katapusan na lamang ng buwan ng December ang show.


May mga nagsasabi pa na maaari umanong makulong si Paolo Contis sa loob ng pitong taon dahil sa paggamit niya sa titulong Eat Bulaga na pagmamay-ari naman umano nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Ang isa pa sa pinagtatawanan nila ay ang balitang sinabon umano ng mga Jalosjos si Paolo Contis.


Ayon naman sa mga Eat Bulaga hosts, nagsimula ang mga haka-hakang ito patungkol sa kanila nang lumabas ang desisyon ng Intellectual Property Office kung saan kinansela nila ang hawak na Trademark registration ng TAPE Incorporated sa Eat Bulaga.


Lalo pa umanong lumakas ang mga hakahakang ito ng lumabas ang balita ng pagbasura ng korte sa inihain nilang apela para bawiin ng Intellectual Property Office of the Philippines ang inilabas nitong desisyon patungkol sa trademark ownership.


Ayon naman kay Paolo Contis, hindi na umano siya naapektuhan ngayon sa mga ibinabatong isyu sa kanya at mga pambabatikos na natatanggap niya mula sa mga netizens. Hindi naman umano talaga maiiwasan na may mga magsisilabasang mga fake news lalo na sa ganitong pagkakataon.


Sa ngayon ay nagpapasalamat na lamang umano sina Paolo Contis na tuloy-tuloy pa rin ang trabaho nilang mga hosts. Masaya rin umano siya sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng mga kasamahan, mga staffs, mga crews at ng Jalosjos Family.


Sa kabilang banda, masaya rin inanunsyo ni Paolo Contis na mas dumarami na umano ngayon ang mga sponsors ng kanilang show na Eat Bulaga hindi umano apektado ang mga advertisers nila sa kabila ng kinakaharap na isyu ng kanilang show.


Dahil umano rito, masasabi nang tuluyan nang natanggap ng mga manonood ang kanilang show na Eat Bulaga na hindi associated sa TVJ sa paniniwalang ito, buo ang loob ni Paolo Contis na marami parin ang susuporta sa kanilang show kahit pa magbago  ang pamagat nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo