Alora Sasam May Ebidensya Sa Mga Kalokohan ni Daniel Padilla

Martes, Disyembre 19, 2023

/ by Lovely


 Matagal ring nagtrending ang aktres na si Alora Sasam sa social media platform na Twitter dahil sa galit ng mga fans na kumampi kay Daniel Padilla at maging ng pagmamahal sa kanya ng mga fans na kumampi naman kay Kathryn Bernardo.


Nag-ugat ang isyu sa isang TikTok video ni Kathryn Bernardo kung saan maririnig ang pagtili ni Alora na siyang nagvi-video sa aktres. Kaagad rin namang nag-viral ang nasabing video at nagkaroong ng halong komento mula sa mga netizens.


May mga nagkomento naman sa nasabing video kung saan hayagang pinagsabihan ng netizen si Alora Sasam na mas mabuting payuhan na lamang niya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at huwag nang manghimasok pa sa isyu ng dalawa.


Kaagad naman itong sinagot ni Alora Sasam kung saan ipinunto niya na kung alam lamang ng lahat ang alam niya patungkol sa dalawa, tiyak umanong hindi na masasabi ng mga ito na payuhan ang dating magkasintahan na magbalikan.


Dito na nagsimula ang mahabang diskusyon ng mga fans ng magkabilang panig, marami ang nagsasabi na talagang may alam si Alora hinggil sa totoong nangyari sa pagitan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Hinala rin ng marami na alam nito ang totoong dahilan ng hiwalayan ng dalawa.


Marami ang nagtatanong kay Alora Sasam kung ano ang alam niya sa isyu at nais ng iba na ibahagi na ito ni Alora Sasam sa publiko para matapos na ang isyu.


Sa kabilang banda, may mga naniniwala naman na nakisawsaw lamang itong si Alora Sasam sa isyu ng KathNiel, may pa critical thinking pa umano itong nalalaman para lamang lalong mabash si Daniel Padilla.


May nagsasabi pa na umano'y walang utang na loob itong si Alora Sasam dahil kung makapagsalita umano ito ngayon ay parang hindi man lang niya naging kaibigan si Daniel Padilla. Kung umasta ppa umano ito ay tila hindi man lamang siya itinuring ng maayos ng pamilya ng aktor.


Sa ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang dating magkasintahan na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo hinggil sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay. Marami ang nagsasabi na tinitikom lamang ni Kathryn ang kanyang bibig para hindi na lalong lumubog si Daniel Padilla na nakakatanggap na ng samu't-saring pambabatikos ngayon pa man.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo