Michelle Dee Nagsalita Na Hinggil Sa Pagkakadawit Sa Hiwalayang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

Martes, Disyembre 19, 2023

/ by Lovely


 Beauty queen at Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee nagbigay na ng pahayag hinggil sa pagkakadawit sa hiwalaya nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. May mga lumalabas ngayong haka-haka sa social media na siya ang itinuturong third party na siyang pinagselosan diumano ni Richard Gutierrez.


Ilang linggo na ring laman ng mga bali-balita at trending sa iba't-ibang social media platforms ang hiwalayan isyu nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. 


Matatandaan na nagbigay na ng hint ang ina ni Richard utierrez na si Anabelle Rama hinggil sa dahilan ng hiwalayan, na ayon rito ay ang pagwawaldas ni Sarah Lahbati at ang pagnanais nito na palaging magtravel.


Samantala may mga bagong lumalabas ngayon na balita na diumano may ibang kinahuhumalingan si Sarah Lahbati na siyang nagsisilbing third party sa breakup isyu nila ni Richard. 


Ayon sa source ni Ogie Diaz, hindi umano lalaki ang nakamabutihan ni Sarah Lahbati kundi isa ring babae. Kaya naman isa rin ito sa ikiagalit ng husto ng ina ni Ricahrd kaya naman nagbanta pa nga ito sa kanyang statement na darating din umano ang time na malalaman ng lahat ang kwento. 


Dahil sa pagsisiwalat na ito ni Ogie Diaz, nagsilabasan kaagad ang mga speculations na maaaring ang beauty queen na si Michelle Dee ang tinutukoy ng source. 


Samantala kaagad naman na nakarating kay Michelle Dee ang rumor na ito at sa isang writeup, diretsahan na siyang nagkomento patungkol sa isyu. Tila pinagtawanan lamang ng beauty queen-actress ang nasabing balita. 


Halos hindi rin makapaniwala ni Michelle Dee sa balitang ito kaya naman natatawa na lamang siya.


Sa parehong post pabiro namang nagkomento  ang isang netizen, na sinasabing babaero kasi si Michelle Dee kaya naman nadadawit siya sa isyu. Subalit muli lamang itong tinawanan ni Michelle at saka nagreply ng mga katagang at least magaganda lahat. 


Hindi ito ang unang beses na nalink si Michelle sa mga kapwa niya magagandang celebrities katulad na lamang nina Mikee Quintos at Rhian Ramos, pero noon pa man ay pinabulaanan na ito ng beauty queen at sinabing hindi pa siya nagkakaroon ng kasintahan kailanman.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo