Eat Bulaga Hanggang Disyembre 30 Nalang

Lunes, Disyembre 11, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang actor host na si Paolo Contis at ang kanyang mensahe sa kamakailang episode ng noontime show na Eat Bulaga.


Kaagad na napansin ng mga netizens na tila nag-iba umano ang ihip ng hangin ngayon kay Paolo Contis dahil tila nawala na umano ang angas nito sa pambabastos sa TVJ.


Matatandaan na isiniwalat na ng TVJ na ibinasura ang Intellectual Property Office ang inihaing appeal ng TAPE Incorporated sa desisyon na inilabas kung saan pinaburan nito ang TVJ sa kanilang desisyon kung kanino ibibigay ang trademark ng Eat Bulaga.


Base sa naunang desisyon ng IPO, kinansela nila ang trademark registration na hawak ng TAPE Inc. sa titulo ng Eat Bulaga dahil hindi nakapagbigay ng konkretong eksplenasyon kung paano nila nabuo ang titulo ng Eat Bulaga.


Pinaburan naman ng IPO ang TVJ dahil nakapagbigay sila ng paliwanag at napatunayan na si Joey De Leon talaga ang nakapag-isip ng titulo ng nasabing show.


Sa kabilang banda, tila nagbago naman ang ihip ng hangin kay Paolo Contis dahil kung anong yabang nito noon ay tila naging maamo na umano ito ngayon dahil sa hindi pagpabor sa kanila ng desisyon ng IPO.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, gagamitin na ng TVJ ang titulong Eat Bulaga sa susunod na taon kaya naman maaring magtatapos na ang Eat Bulaga sa December 30.


Samantala, hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag ang TAPE Inc. hinggil sa pagbasura ng IPO sa kanilang apela. Wala pa ring katiyakan sa ngayon kung rerespetuhin na ba ng TAPE Inc. ang pagbabasura sa kanilang apela hinggil sa trademark registration ng Eat Bulaga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo