Mavy Legaspi, Di Kinaya Ang Ugali Ni Kyline Alcantara

Miyerkules, Disyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng kaliwa't kanang isyu ng mga hiwalayan ngayon ng mga celebrity couples ngayon, hindi naman matukoy ng ilang mga netizens ang totoong dahilan ng nababalitang hiwalayan ng Kapuso celebrity couple na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


Marami sa mga netizens ang napapatanong kung ano nga ba ang totoong estado ng relasyon ngayon nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi, matapos ang pagpapalabas ng ilang mga cryptic post ni Kyline Alcantara sa kanyang social media accounts.


Kabilang sa mga cryptic posts ni Kyline Alcantara at patungkol sa kanyang pagmamahal sa sarili


Dahil dito, naglabasan ang samu't-saring spekulasyon sa totoong dahilan ng hiwalayan ng dalawa, may mga naghinala na pinagseselosan umano ni Kyline Alcantara ang co-host ni Mavy Legaspi sa Eat Bulaga na si Dasuri Choi.


Nagsimula ang isyung pinagseselosan ni Kyline Alcantara si Dasuri Choi ng ibahagi niya ang isang TikTok video kung saan makikitang magkatabi sina Mavy at Dasuri.


May mga nagsasabi pa na talagang nagseselos si Kyline Alcantara dahil sa pagiging close ni Dasuri sa kambal na Legaspi off-cam.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na tila nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Cassy Legaspi at Kyline Alcantara nang mag-unfollow sila sa isa't-isa sa kanilang Instagram accounts.


Samantala, may mga bumatikos naman sa ginawa ng Legaspi twins dahil hindi naman umano magandang tingnan na nakikipagdate pa sa ibang babae ang isang lalaki na may karelasyon na.


Maging si Cassy Legaspi ay nakatanggap rin ng pambabatikos dahil tila kinkunsinti pa umano nito ang ginawang panloloko ni Mavy Legaspi sa kanyang girlfriend na si Kyline Alcantara.


Kaagad namang rumesbak sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, mga magulang nina Cassy Legaspi at Mavy Legaspi, sa mga nambabatikos sa kanilang mga anak.


Naglabas ng mensahe sa kanyang social media account si Carmina Villaroel patungkol kung gaano niya kamahal ang dalawa. May cryptic post pa ito na, Mom knows best.


Nagpapasalamat naman ang dating action star na si Zoren Legaspi sa mga totoong kaibigan na nagmamahal at sumusuporta sa kanyang anak. Tila parinig naman umano niya ito kay Kyline Alcantara na hindi totoong kaibigan sa kanyang mga anak.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon, sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi umano ang naging dahilan ng kung bakit hiniwalayan ni Mavy Legaspi si Kyline Alcantara.


Ang mga magulang umano ng aktor ang nagsabi kay Mavy na hiwalayan na si Kyline na sinunod naman ng aktor.


Samantala, nagbigay naman ng update ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa kanyang YouTube channel hinggil sa natanggap niyang rumor patungkol sa hiwalayan nina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.


Ibinunyag rin niya ang nakarating sa kanyang dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Ayon kay Cristy Fermin, nasakal na umano si Mavy Legaspi kay Kyline Alcantara dahil sa pagiging selosa nito.


Ayon pa umano sa mapagkakatiwalaang source ni Cristy Fermin, hindi na umano kinakaya ni Mavy Legaspi ang pagiging selosa ni Kyline bukod pa rito ay insecure rin umano ito.


Dagdag pa ni Cristy Fermin na wala namang lalaki na papayag na basta na lamang hahawakan sa leeg at kokontrolin na ang buhay ng kanilang mga nobya.


"Hinahawakan daw siya sa leeg, wala namang lalaking papayag ng ganoon. Kaya nga nakikipagrelasyon para maging masaya at maligaya ka eh."


Sa kabilang banda, ikinagulat ng mga netizens nang mamataan sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi na magkasama para sa launching ng panibagong produkto ng softdrinks na kanilang iniendorso.


 Makikita pang nakangiti at tila walang isyu ang dalawa, gayunpaman, may mga nakapansin na hindi umano tinanggap ni Kyline Alcantara ang kamay ni Mavy Legaspi at nauna na itong pumasok sa backstage.


Tila nagsasama na lamang ang dalawa sa iisang lugar dahil sa kanilang kontrata. Ito rin umano ang dahilan kaya hindi nila maamin sa kanilang mga tagahanga ang kanilang paghihiwalay.


Bukod pa rito, nangako rin umano ang dalawa sa management na hindi nila isasapubliko ang kanilang paghihiwalay habang hindi pa natatapos ang kanilang kontrata.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo