Miles Ocampo, Itinapon Ang Cellphone Matapos Mag Message Si Andrea Brillantes

Martes, Disyembre 12, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa social media ang panibagong tsika na isiniwalat ni Ogie Diaz sa kamakailang episode ng kanilang showbiz oriented vlog na Showbiz Update.


Ayon kay Ogie Diaz ang pangyayaring ito ay kumpirmado at totoong nangyari sa pagitan nina Andrea Brillantes at Miles Ocampo.


Isiniwalat ni Ogie Diaz ang nakarating sa kanyang balita patungkol sa pagkakalink ni Andrea Brillantes sa kanyang co-star sa teleseryeng Senior High na si Elijah Canlas.


Matatandaan na nauna nang inamin ni Elijah Canlas ang naging hiwalayan nila ng kanyang girlfriend na si Mile Ocampo, kasunod nito isiniwalat naman ni Ogie Diaz ang balitang tila nagkakamabutihan na sina Andrea Brillantes at Elijah Canlas. 


Bagama't nagmula umano ang balitang ito sa kanilang source, hindi ito kinukumpirma ni Ogie Diaz subalit nitong December 10, 2023, muling naglabas ng panibagong pahayag si Ogie Diaz patungkol sa nasabing isyu.


Mula pa rin umano ito sa kanilang reliable source subalit sa pagkakataong ito ay naninindigan na sina Ogie Diaz na may katotohanan ang chika.


Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, may nakarating umanong video kay Miles Ocampo kung saan makikitang nagsusubuan ng spaghetti sina Elijah Canlas at Andrea Brillantes.



Dagdag pang pagbabahagi ni Ogie Diaz, nalaman umano ni Andrea Brillantes na nakarating kay Miles Ocampo ang video nila ni Elijah Canlas kaya naman kaagad itong nagpadala ng mensahe kay Miles Ocampo at humingi ng tawad. 


Ipinahayag pa umano ni Andrea Brillantes sa kanyang mensahe kung gaano siya nahihiya kay Miles Ocampo dahil sa ganoong paraan nito nalaman ang tungkol sa relasyon nila ni Elijah. Hiniling pa umano ni Andrea Brillantes kay Miles Ocampo na mag-usap naman sila.


Isinalaysay naman ni Ogie Diaz na matapos mabasa ni Miles Ocampo ang text message sa kanya ni Andrea Brillantes ay naibato nito ang kanyang cellphone dahil sa labis na pagkainis kay Andrea.


Samantala, nang tanungin naman si Ogie Diaz kung magjowa na nga ba ngayon sina Andrea Brillantes at Elijah Canlas, sinabi ng showbiz insider na wala siya sa posisyon na magkumpirma nito dahil ang nararapat na umamin ay sina Andrea Brillantes at Elijah Canlas.


Sa kabilang banda, isiniwalat din ni Ogie Diaz na bukod kay Andrea Brillantes, nalilink rin ngayon si Elijah Canlas sa isa pa nilang co-star sa Senior High na si Daniela Stranner. Ito rin umano ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kanya-kanyang grupo sa set ng teleseryeng Senior High.


Ayon pa umano sa source ni Ogie Diaz, marami ang naiinis kay Andrea Brillantes sa set ng Senior High. Sinabi naman ni Ogie Diaz na hindi pa naman kumpirmado ang isyu na maraming naiinis kay Andrea Brillantes sa set ng Senior High pero iyong video nila ni Elijah Canlas ay kumpirmado na.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo