Sagutan Nila Anabelle at Sarah Lahbati Pati Si Ruffa Gutierrez Nagparinig Na Kay Sarah

Martes, Disyembre 12, 2023

/ by Lovely


Tila lalong gumugulo ang sitwasyon ngayon sa pagitan ng pamilya Gutierez laban kay Sarah Lahbati matapos panindigan ng huli na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa kahit na walang tulong mula sa kanyang asawang si Richard Gutierrez at ng pamilya nito.


Makikita sa mga larawang ibinabahagi ngayon ni Sarah Lahbati sa kanyang social media accounts ang mga achievements niya at mga endorsements na nagpapakita lamang na hindi siya umaasa sa pera ng kanyang asawa na si Richard Gutierrez.


Samantala, nilinaw ni Sarah Lahbati ang mga statements na kumakalat ngayon sa social media patungkol sa naging pahayag umano niya sa isyung kinakaharap nila ng kanyang asawa na si Richard Gutierrez.


Pinabulaanan ni Sarah Lahbati ang kumakalat na pahayag umano kung saan sinabi niyang na-brainwashed ni Annabelle Rama si Richard Gutierrez kaya bigla na lamang itong nagbago. Nagpayo pa siya sa mga mag-aasawa pa lamang na kilalaning mabuti ang mga in-laws upang hindi matulad sa kanya.


Ayon sa paglilinaw ni Sarah Lahbati, hindi niya sinabi ang mga katagang ito.


Samantala, sa kamakailang social media post ni Annabelle Rama, lalo niyang idiniin si Sarah Lahbati at iginiit na isa itong masamang babae, manipulative at sinungaling. Tinawag rin niya ito na isa devil woman dahil sa pagpapa-victim umano nito upang makuha ang simpatya ng mga netizens.


Bukod pa rito, ipinahayag rin ni Annabelle Rama na noon pa man ay nakikita na umano niya na hindi na maganda si Sarah Lahbati kay Richard kaya naman noon pa man ay tutol na siya sa relasyon ng dalawa. Masyado din umanong maluho si Sarah Lahbati at gustong lagi silang nagtatravel ni Richard Gutierrez.


Sa ngayon ay binura na ni Annabelle Rama ang kanyang mga social media post na bumabatikos kay Sarah Lahbati subalit marami na ang mga nakakuha ng scrreenshots nito dahilan para patuloy pa rin itong kumalat sa social media.


Samantala, tila hindi naman magpapahuli ang panganay na anak ni Annabelle Rama na si Ruffa Gutierrez, kamakailan lamang ay naglabas din ito ng tila cryptic post sa kanyang social media account na hinala ng mga netizens na patama rin kay Sarah Lahbati.


Ayon sa naging cryptic post ni Sarah Lahbati, hindi naman kailangan na perpekto ang pag-ibig, dapat lamang maging totoo ito.


Napansin rin ng mga netizens na maging sina Sarah Lahbati at Ruffa Gutierrez ay hindi na rin namamataang magkasama sa ngayon gayung hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit naman sila sa isa't-isa noon.


Sa katunayan, naging malapit na rin si Sarah Lahbati sa dalawang anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice Bektas.


Bagama't patuloy na pinagdidiinan ni Annabelle Rama na pera at ang ugali ni Sarah Lahbati ang dahilan ng hiwalayan nina Sarah at Richard, may mga naniniwalang ang totoong dahilan nito ay ang pananawsaw umano ni Annabelle.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo