Manager Ni Ronaldo Valdez May Napansin Sa Huling Hapunan Nila Ng Aktor

Martes, Disyembre 19, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang talent manager ng pumanaw na beteranong aktor na si Ronaldo Valdez, patungkol sa huling hapunan nilang magkasama noong December 15, 2023 dalawang araw bago ang pagpanaw nito.


Ibinahagi ng talent manager na si Jamela Santos ang kanilang huling pagkakasama ng kanyang talent na si Ronaldo Valdez. Sa isang Instagram post ni Jamela Santos, ipinahayag niyang hindi siya makapaniwala sa pagpanaw ng kanyang talent. Isiniwalat din niya na bago pumanaw si Ronaldo Valdez ay may ginawa umano ito ng hindi pangkaraniwang kilos sa kanya.


Sa kanilang pagkikita ay nagbigay umano ang beteranong aktor sa kanyang ng tatlong roses na hindi naman nito ginagawa noon.


Ayon sa caption ng Instagram post ni Jamela Santos, kalakip ng mga larawan nila ni Ronaldo Valdez, supposed to be despidida dinner niya ito kasama ang beteranong aktor dahil lilipad umano siya sa ibang bansa sa mga susunod na araw. Kaya lang hindi naman umano niya lubod akalain na ito na talaga ang huling pagkakataon na makikita niyang buhay si Ronaldo Valdez dahil tuluyan na itong magpapaalam sa mundo.


Ipinahayag din ni Jamela Santos na si Ronaldo Valdez ang dahilan kung bakit hindi siya umaalis ng bansa dahil palagi siyang pinagsasabihan noon ng aktor siya na lamang ang rason nito para mabuhay.


Palagi rin umano niyang inuuna ang aktor at sinasamahan niya ito sa tuwing nagyayaya ito ng cofee or drink sa kanya dahil gusto niyang gumawa ng maraming memories na kasama ito.


Alam naman umano niya na iiwan at iiwan siya nito subalit ang hindi niya naasahan ay ganito ito kaaga at kabilis na nawala.


Sa ngayon ay hindi pa umano alam ni Jamela kung paano tanggapin ang biglaang pagpanaw ni Ronaldo Valdez.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo