Kim Chiu Umaasa Pa Rin Na Babalikan Ni Xian Lim

Martes, Disyembre 19, 2023

/ by Lovely


 Maraming naglabasan ngayong mga haka-haka patungkol sa hindi pa pag-amin ng actress-host na si Kim Chiu sa nangyaring hiwalayan nila ni Xian Lim matapos ang 12 years nilang relasyon, may mga nagsasabi na tila hanggang ngayon ay umaasa pa rin umano si Kim Chiu na magbabalikan sila ni Xian Lim.


Matatandaan na nauna nang naiulat na hanggang ngayon ay pinoproseso pa umano ni Kim Chiu ang nangyaring hiwalayan nila ni Xian Lim at hinahanda pa umano nito ang kanyang sarili para sa gagawing pag-amin.


May mga naghinala naman na baka ay hindi pa talaga tuluyang naghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim kaya naman hindi pa masasabi ni Kim Chiu sa publiko dahil hindi pa naman official ang lahat.


Gayunpaman, may mga nagsasabi na hanggang ngayon ay umaasa pa rin umano si Kim Chiu na babalikan pa rin siya ng aktor kaya naman pilit pa rin niya itong pinagtatakpan si Xian Lim sa kabila ng mga naglabasang bho nito sa social media na may kasamang babae. Naniuniwala pa rin umano si Kim Chiu na mapag-uusapan pa nila ni Xian Lim ang lahat.


Samantala, tila paunti-unti namang nililinaw na ngayon ni Xian Lim ang estado ng relasyon nila ni Kim Chiu kahit hindi pa siya naglalabas ng opisyal na pahayag patungkol rito.


Kamakailan lamang ay pinagbubura na ni Xian Lim ang mga vlogs na pinagsamahan nila ni Kim Chiu sa kanyang YouTube channel na pahiwatig lamang na hindi na nito pinapahalagahan pa ang mga nagdaang travel vlogs nila ng aktres.


Sa kabilang banda, ikinagulat naman ng ilang mga netizens ang pagsagot ni Kim Chiu sa isang katanungan patungkol sa estado ng relasyon ng lovelife niya ngayon. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na palaging iniiwas ni Kim Chiu ang usapan sa tuwing nagiging topic na ang kanilang relasyon ni Xian Lim.


Subalit sa pagkakataong ito, nagbigay na rin ng pahiwatig si Kim Chiu na may hindi magandang nangyayari sa relasyon nila ni Xian Lim. Sinabi ni Kim Chiu na ang kanyang love life umano ngayon ay naka-hang. Maihahalintulad umano ito sa isang telepoo na naka-hang.


Marami naman ang naaawa ngayon sa aktres na si Kim Chiu at sinasabing hanggang ngayon ay talagang umaasa pa rin umano ang aktres na na magkakabalikan sila ni Xian Lim.


May mga nagbigay naman ng payo kay Kim Chiu na sana ay mahalin naman nito ang kanyang sarili at huwag na umano itong makilimos pa sa pag-ibig ni Xian Lim kung ayaw na sa kanya ng aktor. May mga nagsasabi pa na tiyak namang may makikita pang ibang lalaki si Kim Chiu na handa siyang pakasalan at hindi lamang basta paasahin.


Matatandaan na nauna na ring kumalat ang mga haka-haka noon na isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa nagpopropose si Xian Lim kay Kim Chiu dahil ayaw pa umano nitong matali sa aktres. Ayaw umano ng aktor na may kumukontrol sa kanyang desisyon at galaw kaya namang ayaw pa niyang magpakasal.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo