Nanay Ni Sarah Lahbati Nagsalita Na Sa Akusasyon Ni Annabelle Rama

Lunes, Disyembre 11, 2023

/ by Lovely

 

Hindi na pinalagpas ng kampo ng aktres na si Sarah Lahbati ang mga pasaring ni Annabelle Rama, ina ng asawang si Richard Gutierrez.


Tila napagod na umano itong si Sarah Lahbati sa mga masasakit na salitang binibitawan ni Annabelle Rama sa kanya at sa kanyang mga magulang.


Dahil sa isyu ng paghihiwalay ngayon nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nagsipaglabasan na rin ang mga isyu kung saan matagal na umanong pinagsasalitaan ng hindi maganda ni Annabelle Rama si Sarah Lahbati.


May mga usap-usapan pa na hindi naman umano tinatawag na 'Mama' ni Sarah Lahbati si Annabelle dahil ayaw ng huli.


Ayon naman sa ina ni Sarah Lahbati, naawa na siya sa kanyang anak dahil sa mga masasakit na salita at mga akusasyon na ibinabato rito ni Annabelle na wala naman umanong katotohanan.


Bukod pa rito, naghain din umano ng apela si Annabelle Rama sa korte para makuha niya ang full custody ng mga anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Nais umano itong makuha ni Annabelle dahil nais niya nasa kanya ang mga paborito niyang apo.


Bagama't tila dinidedma lamang ni Sarah Lahbati ang mga akusasyon sa kanya ni Annabelle Rama na may kinalaman sa pera, hindi naman nakapagtimpi ang ama ng aktres at binweltahan na rin niya ang byenan ng kanyang anak.


Tinawag ng ama ni Sarah Lahbati si Annabelle na isang asong na tahol ng tahol dahil sa patuloy na pakikialam nito sa buhay ng kanyang mga anak.


Samantala, ayon sa aming nakalap na mga impormasyon, nagsimulang magkalamat ang relasyon nina Sarah Lahbati at Annabelle Rama nang umuwi sa bansa ang mga magulang ng aktres para dito na manirahan.


Nauna namang pinaglaban ng dalawa ang kanilang pagmamahalan at pamilya subalit tila nagkalamat na rin kalaunan ang kanilang relasyon dahil sa hindi pagkakaintindihan ng kani-kanilang mga magulang.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang pakikialam ng mga magulang nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa kanilang pagsasama.


May mga netizens na nagsasabi na walang karapatan si Annabelle sa mga anak nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez dahil lola lamang siya at ang custody ng mga bata ay dapat nasa ina lalo pa kung below seven years old pa lamang ang mga ito.


"Lola lang siya! Si Annabel, talagang may diprensia sa isip si Annabel File ka na Sarah ng annulment para makawala ka sa gapos, hingan mo ng alimony panalo ka sa batas"


"Dapat mga magulang magayos ang pagsasama ng mga anak...mas may karapatan ang ina sa mga anak...sustento ng mga anak ang kailangan sa ama...hindi naman ikaw ang ina para kunin mo mga anak nya..."


Samantala, may mga naghinala pa na talagang si Annabelle ang gustong maghiwalay na ang mag-asawa para sumikat muli ang karera ng kanyang anak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo