Kathryn Bernardo Natulala Sa Ginawa Ni Daniel Padilla Sa Asia Artist Award

Huwebes, Disyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Muli na naman nagkasama ang mag ex-jowa na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Awarding ng Asia's Artist, tila tuloy-tuloy pa rin ang pambabakuran ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa kabila ng hiwalayan nila.


Tila ngayon pa lamang umano narealize ni Daniel Padilla kung ano ang mangyayari sa kanya ngayong wala na sila ni Kathryn Bernardo.


Sa isang punto ng mga kumakalat na video makikita ang paglalagay ni Daniel Padilla ng jacket kay Kathryn Bernardo dahil tila nilalamig ito. Marami naman sa mga fans ang kinilig dahil sa mga sweet gestures ni Daniel Padilla sa kanyang daing girlfriend na tila ba ay ipinapakita pa rin nito ang mga ginagawa niya noon para sa aktres.


Hindi naman napigilan ng ilang fans ang umasa na sana ay may pag-asa pa na magkabalikan ang dalawa dahil sayang rin ang mga taon na magkarelasyon sila.


Samantala, may ilang mga netizens at fans ni Kathryn Bernardo ang nagbibigay ng payo kay Kathryn na huwag magpadalos-dalos sa kanyang desisyon sa pagpapatawad kay Daniel Padilla sakaling totoo ang isyu na nangaliwa ito sa kanilang relasyon dahil uulit-ulitin lamang umano ito ng aktor.


May mga nagsasabi pa na baka ginagawa lamang umano ito ngayon ni Daniel Padilla dahil natatakot itong tuluyang bumagsak ang kanyang showbiz career. Marami kasi ang nakapansin na lalong tumunog ang pangalan ni Kathryn Bernardo ngayon matapos ang hiwalayan ng dalawa habang nakakatanggap naman ng backlash ang aktor dahil sa isyu nila ni Andrea Brillantes.


Sa ngayon ay nanatiling lihim pa rin sa publiko kung ano ang totoong dahilan ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, bagama't maraming naglabasang haka-haka ng pagkakadawit ng maraming babae wala pa namang kinumpirma ang dalawa.


Tila hindi rin naman umiiwas si Andrea Brillantes kay Kathryn Bernardo na kadalasang gagawin ng mga taong guilty sa pagiging third party subalit sa kamakailang rehearsal nagtangka pa si Andrea Brillantes na bumeso at babati kay Kathryn Bernardo. Iginiit din ni Andrea Brillantes na okay silang dalawa ni Kathryn.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo