Kathryn Bernardo, Daniel Padilla Unseen Controversial Moments Sa Asia Artist Awards 2023

Biyernes, Disyembre 15, 2023

/ by Lovely


 Hindi pa man nakakamove-on ang mga netizens sa ipinamalas na professionalism ng mag-ex couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa nakaraang performance nila sa ABS-CBN's Christmas Special 2024.


Kung saan makikitang masaya pa rin silang nagpeperform sa kabila ng kanilang paghihiwalay. Hindi pa rito nagtatapos ang tila pagpapakilig nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang mga fans, magkasama rin silang nagpunta sa AAA para tanggapin ang kanilang Fabolous Awards.


Samantala, may mga napansing pagkakaiba kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pagtanggap nila sa kanilang mga awards, kapansin-pansin umano na tila hindi man lang pinaghandaan ni Daniel Padilla ang speech para sa pagtanggap ng award.


Hindi rin nagustuhan ng mga netizens ang paghagikhik ni Daniel Padilla matapos bumati ng 'hello' in Korean, may ilang mga netizens na nakakainsulto ang ginawa ni Daniel lalo pa't nasa harap siya ng maraming tao. Nakakabastos din umano na tila hindi man lang niya pinaghandaan ang nasabing event.


Sila pa naman sana ni Kathryn ang naging reprentative ng Pilipinas sa nasabing event subalit tila hindi man lamang umano pinapahalagahan ni Daniel Padilla. 


Bawing-bawi naman ni Kathryn ang inasal ni Daniel Padilla sa kanyang acceptance speech, di katulad ni Daniel, pinaghandaan ni Kathryn Bernardo ang kayang speech, napa-elegant at dignified ni Kahtyrn habang nagsasalita.


Taus-pusong nagpapasalamat si Kathryn Bernardo sa lahat ng tao na sumusuporta sa kanyang talento bilang aktres. Bukod pa rito, pinapasalamatan rin ng aktres ang lahat ng mga sumusuporta sa mga Filipino made movies at teleserye.


Marami naman ang nagsasabi na mas napapansin na umano ngayon ang galing at ningning ni Kathryn Bernardo magmula noong kinumpirma na nila ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla, marami rin ang humanga sa professionalism na taglay ni Kathryn dahil sa maayos na pakikitungo niya kay Daniel Padilla matapos ang mga isyung kinakaharap nila.


Dahil din sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla, tumaas ang following ni Kathryn Bernardo sa Instagram kung saan nangunguna na siya ngayon sa mga most followed Filipino celebrities. Naunahan na niya si Anne Curtis na matagal rin nangunguna sa Instagram.



Sa kabilang banda, makikita naman si Kathryn Bernardo sa gilid ng stage na nakangiti at nakasuporta pa kay Daniel Padilla na siyang ikinataas ng kilay ng mga netizens. May mga nadismaya pa sa dalaga dahil sa ipinapakita niyang pag-uugali sa harap ni Daniel na tila ba ay walang nangyari sa kanila at hindi nasayang ang kanilan 11 years na relasyon.


May mga nagpupunto pa na kung wala namang third party sa kanilang paghihiwalay at walang kinalaman sa kanilang break up si Andrea Brillantes ay sana linisin na nila ang pangalan nito dahil sirang-sira na ito sa publiko dahil sa kanilang hiwalayan.


May mga nakapansin rin na tila muling nagkakamabutihan na ngayon ang dalawa dahil tila hindi na umiiwas si Kathryn Bernardo sa mga sweet gestures ni Daniel Padilla sa kanya.


Bukod pa rito kumakalat din sa ilang mga social media sites ang mga videos kung saan makikitang inaalalayan ni Daniel si Kath, nakahawak pa ang aktor sa bewang o di kaya ay sa braso ng aktrres.


Trending din ngayon ang paglalagay ni Daniel Padilla ng jacket sa exposed na likod ni Kathryn Bernardo, kung titingnan umano ang mga galawan na ito ng dalawa tila hindi man lang umano dumaan sa hiwalayan ang mga ito.


Samantala, nag-iwan rin ng mga katanungan sa mga netizens at fans ng KathNiel ang pagbubura ni Daniel Padilla sa kanyang official statement sa Instagram kung saan inamin nito ang hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo. Ang mga larawan lamang na kalakip nito ang iniwan ng aktor.


Marami naman ang naghinala ngayon na baka umano ay nagkabalikan na ang dalawa o di kaya naman ay nililigawan muli ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo