Karla Estrada Tinawag Na Walang Delikadesa Matapos Magbigay Ng Pag-asa sa Mga Fans ng KathNiel

Huwebes, Disyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng pambabatikos mula sa mga fans ni Kathryn Bernardo ang ina ng ex-boyfriend niyang si Daniel Padilla na si Karla Estrada dahil sa tila pagbibigay umano nito ng false hopes sa mga fans ni Daniel Padilla na magkakabalikan pa ang dalawa.


Ilang beses na ibinahagi ni Karla Estrada sa kanyang Facebook account ang ilang mga kaganapan sa rehearsal ng ABS-CBN Christmas Special kung saan unang nasilayan ng publiko ang pagpi-perform ng KathNiel matapos ang kanilang hiwalayan.


Napansin ng mga fans ni Kathryn Bernardo na tila proud pa umano ni Karla Estrada sa panunuyo ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa harap ng maraming tao kung saan hindi makakaiwas ng todo ang aktres.


Matatandaan na sa mga kumakalat na video makikita na hindi lamang isang beses na pasimpleng umiiwas si Kathryn Bernardo habang tila dikit ng dikit si Daniel Padilla rito at may pa-alalay pang nalalaman.


Samantala, marami ang tumatawag ngayon kay Karla Estrada na walang delikadesa dahil tila pilit umano nitong pinapalabas na magkakabalikan pa sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Inalmahan ng maraming mga fans ng aktres na si Kathryn Bernardo ang mga shared post ng celebrity mom na si Karla Estrada kung saan tila pinapahiwatig umano nito na gusto niyang magbalikan sina Kathryn Bernardo at kanyang anak na si Daniel Padilla.


Kaagad na umani ng maraming pambabatikos ang dalawang shared post ni Karla Estrada. Bukod dito marami rin sa mga fans ni Daniel Padilla na umaasang magbabalikan ang dalawa ay nagbubunyi sa comment section ng post ni Karla.


Sa kabilang banda may mga fans naman ng aktres na sana ay hindi na lamang pa ginatungan ni Karla Estrada ang mga delulu fans ng KathNiel at birespeto na lamang ang desisyon ng dalawa.


May mga nagpunto pa na kahit kinakausap ni Kathryn si Daniel Padilla at umaarteng wala lang makikita naman umano sa pasimpleng pag-iwas nito na naa-awkward na rin ang aktres sa mga pahawak ni Daniel.


May mga nakisimpatya rin kay Kathryn Bernardo dahil sa mga kailangan nitong isakripisyo para sa kanyang trabaho. Kinailangan pa umano nitong itago sa harap ng publiko ang kanyang nararamdaman dahil may trabaho siyang pakiligin ang mga fans.


"Ganyan kahirap maging artista, kailangan mo isantabi yung totoong nararamdaman mo to give people a good show. Professionalism tawag doon, parang clown nga daw eh.. happy face sa labas pero sa loob sad face. 


"Part ng trabaho nila makapagpasaya ng tao, pero hindi nila obligasyun yun at the end of the day they both deserve genuine happiness and peace of mind.."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo