Kathryn Bernardo Nagulat Sa Paghalik Sa Kaniya Ni Daniel Padilla

Biyernes, Disyembre 15, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa social media ang muling pagsasama nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Asia Artist Award kung saan makikita ang tila patuloy na panunuyo ni Daniel Padilla sa kanyang ex-jowa na si Kthryn Bernardo.


Trending din ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga kumakalat na video kung saan hinalikan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo. Makikita sa video na habang naglalakad si Kathryn Bernardo ay nakaabang naman ni Daniel Padilla sa paglapit ng aktres, hinala ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo at hinalikan ito sa pisngi.


Kaagad naman na umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing video, marami sa mga fans ni Daniel Padilla ang kinilig dahil tila may mangyayari umanonng comeback sa pagitan ng dalawa. Dahil gumagawa na umano ng hakbang si Daniel para magkabalikan sila ni Kathryn Bernardo.


Kapansin-pansin rin na matapos ang pinagsamahan nilang event ni Kathryn Bernardo sa Asia Artist Award ay binura na rin ni Daniel Padilla ang kanyang official statement ng hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo. Naiwan na lamang ang mga larawan na kasama niyang ibinahagi sa pagkukumpirma niyang hiwalay na sila ng dalaga. Naiwan rin ang caption sa kanyang post na, Ikaw at Ako.


Marami naman na napapatanong ang mga netizens at mga fans ng KathNiel kung ano nga ba ang estado ng relasyon nilang dalawa ngayon at kung nagkabalikan na ba sila matapos ang panunuyo ni Daniel Padilla.


May mga naglabasang spekulasyon na humingi umano ng second chance si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo na pumayag naman ang huli. Sa ngayon ay nililigawan umanong muli ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo at ipinapakita umano nito sa aktres na karapa't-dapat siyang bigyan ng panibagong pagkakataon.


Samantala, may ilang mga fans naman na nagsasabi kay Kathryn Bernardo na pag-isipan muna niya ng mabuti kung makikipagbalikan pa ba siya kay Daniel Padilla. May ilan rin na tutol sa isiping ito dahil naniniwala umano sila na ang mga manloloko ay forever nang manloloko.


May mga nagpapayo rin kay Kathyrn Bernardo na sana ay enjoyin na muna niya pagiging single niya sa ngayong tila nakalaya siya sa mga pambabawal ni Daniel Padilla dahil kung talagang sila ang itinakda ay sila pa rin ang magkakatuluyan sa huli.


Sa kabilang banda, may ilan ding mga netizens na dismayado kay Kathryn Bernardo dahil kaagad umano siyang bumigay sa kunting panunuyo lamang ni Daniel Padilla. Tila nalimutan umano kaagad ng aktres ang mga sakit na idinulot nito sa kanya.


Kaagad din naman itong kinuntra ng avid supporters ni Kathryn Bernardo kung saan inihayag nilang ginagawa lamang ito ng aktres dahil sa trabaho nila ni Daniel. Iginiit pa ng mga ito kung gaano ka-professional ni Kathryn Bernardo dahil nahihiwalay nito ang personal na buhay sa trabaho.


"I know you guys have been together for 11 years, but for you to be able to move on, you need that space and distances away from him. I know it's not easy, but it's the only way, and also for him to be able to accept that theres no more you, and he can move on as well."


"Nako! Walang patutunguhan pag bumalik ka diyan  sa bandang huli niyan  pag  nakuha ka  ulit tatawanan  ka lang ng mag ina . Dahil iisipin nila  madali ka palang makuha. Tapos ang  mga fans mawalan na ng simpatya o tiwala sa iyo. Pag nag second chance na pagloloko sa iyo, Iiwas na sa iyo ang mga taong tumulong sa iyo.."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo