Daniel Padilla, Handa Na Sa Comeback Nila Ni Kathryn Bernardo

Biyernes, Disyembre 15, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang bali-balitang magbabalikan na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dalawang linggo matapos ang pag-amin ng mga ito sa kanilang hiwalayan sa publiko.


Napansin kasi ng mga netizens at KathNiel fans ang panunuyo ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo kahit pa nasa harap sila ng kamera at habanga nagpiperform.


Kaagad din napansin ng mga netizens na burado na rin sa Instagram post ni Daniel Padilla ang kanyang official statement kung saan inamin niyang naghiwalay na sila ni Kathryn Bernardo.


Matatandaan na nakapaloob sa mensaheng binura ni Daniel Padilla ang kanyang pagmamahal kay Kathryn Bernardo na kahit anuman ang nangyari ay hindi pa rin mabubura.


Hinala naman ng ilang mga netizens na nagbunga ang panunuyo ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo. May mga nagsasabi pa na pumayag umano ang aktres na ligawan muli ni Daniel Padilla at patunayan na nararapat pa rin itong bigyan ng panibagong pagkakataon.


Kaagad namang nagbunyi ang mga KathNiel fans na noon pa man ay umaasa na sa comeback ng dalawa, marami ngayon ang positibo na magkakabalikan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil makikita naman umano na mahal pa nila ang isa't-isa.


May mga nagpupunto pa na maari naman umanong magbago ni Daniel Padilla lalo na't naranasan na umano niya ang buhay na walang Kathryn Bernardo at narealize na umano ni Daniel Padilla ang halaga ni Kathryn.


Samantala, may ilang mga netizen naman ang naghinala na palabas lamang ng dalawa ang kanilang paghihiwalay para mas maging matunog ang kanilang mga pangalan lalo pa't may mga napapabalitang pagbibidahan nilang teleserye at pelikula.


Kung totoo umano ang isyu patungkol sa pagloloko ni Daniel Padilla at Andrea Brillantes tiyak umano na hindi papayag si Kathryn Bernardo na hawak-hawakan ni Daniel Padilla. Hindi na rin umano ito pumapayag na basta na lamang kausapin ng ex at halikan pa sa pisngi.


Hinihiling naman ngayon ng ilang mga netizens na sana ay maglabas na ng official statements sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo upang maging mas malinaw na ang kanilang sitwasyon at para na rin malinis ang pangalan ni Andrea Brillantes na nakakatanggap ng mga pambabatikos dahil sa isyung dawit siya sa hiwalayan ng KathNiel.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ni Kathryn Bernardo ang nagpayo na huwg basta-basta na bumigay sa mga panunuyo ni Daniel Padilla at hayaan muna ang aktor na patunayan ang kanyang sarili kung karapat-dapat pa ba itong bigyan ng panibagong pagkakataon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo