Eat Bulaga Ng GMA Papalitan Na Ng Pamagat Suko Na Ang Tape

Martes, Disyembre 12, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng saloobin ang talent manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis hinggil sa isyung kinakaharap ngayon ng noontime show na kinabibilangan ng kanyang alaga.


Ayon kay Lolit Solis, hindi na umano magiging malaking problema kung sakaling baguhin ng TAPE Incorporated ang pamagat ng kanilang noontime show sa GMA7.


Dagdag pa ni Lolit Solis, nakakuha na rin naman ng maraming tagasubaybay ang show nina Paolo. Kaya nama hindi na umano sila maapektuhan sakaling baguhin na lamang ang pamagat ng kanilang show.


Bukod pa rito, ipinunto rin ni Lolit Solis na kahit sino pa ang papalit bilang host ng Eat Bulaga, palaging sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon pa rin ang iisiping totoong host nito.


Kaya naman mas maigi na rin umano na baguhin na lamang ng TAPE Inc. ang pamagat ng kanilang show para maihiwalay na rin sa pangalan ng TVJ.


Natutuwa rin si Lolit Solis dahil may mataas na following na rin ang show nina Paolo Contis ngayon sa kabila ng pag-alis ng TVJ. Sakaling mabibigyan umano ito ng panibagong pangalan ngayon tiyak pa rin na may manonood sa kanilang show.


Hiniling din ni Lolit Solis na huwag nang gawing malaking isyu ang pagpapalit ng titulo ng show nina Paolo Contis dahil naging healthy naman umano para sa mga manonood na may pagpipilian na silang tatlong noontime show.


Matatandaan na naglabas na kamakailan ng desisyon ang Intellectual Property Office hinggil sa inilalabang trademark case ng TVJ sa TAPE Inc. Mas pinaburan ng IPO ang TVJ dahil sa pagbibigay umano nila ng konkretong  paliwanag sa kung paano nila nabuo ang pamagat ng Eat Bulaga.


Kaagad namang naghain ng appeal ang TAPE Inc., subalit kaagad lamang itong binasura ng Intellectual Property Office ng bansa.


Sa ngayon, usap-usapan na hanggang December 30, na lamang maaring gamitin ng TAPE Incorporated ang pamagat na Eat Bulaga sa kanilang show dahil kung magmamatigas pa sila ay maari na silang kasuhang ng TVJ ng Copyright Infringement.


Samantala, narito naman ang ilang pananaw ng mga netizens hinggil sa nasabing isyu.


"Isa lang ang sigurado bagsak ang show nila once pinalitan na ng title kc karamihan lalu na sa visayas at mindanao nanonood sila ng tapebulaga kc nga eatbulaga ang title, kaya pgpinalitan ang title sigurado mauubos ang mga natitira nilang viewers. ngayon about sa bagong host kahit sino pa ilagay jan ganun at ganun parin ang resulta walang mgbabago bagsak prin. prang show ni lucky manzano nung nawala ang showtime since bago ang show anong nangyre walay diba."


"tapusiN na yan peke tape Tama lang yan tapusis tape kawa kawa si lang"


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo