Pamilya Ni Kathryn Bernardo Hindi Pinansin Ang Bati Ni Karla Estrada

Huwebes, Disyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng mga kontrobersiya patungkol sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa samu't-saring spekulasyon ng mga netizens hinggil sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay, tila maayos pa rin naman ang pagkakaibigan ng kanilang pamilya.


Matatandaan na ilang araw, matapos aminin nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay, makalipas ang 11 years na kanilang relasyon, ay nagkasama pa sila sa taping ng Christmas special ng ABS-CBN.


Bukod pa rito, nagkasama pa ang dalawa sa Asia Artist Award at ipinakita ang pagsuporta sa isa't-isa.


Marami namang ang naghinala na ginagawa lamang ito ni Kathryn dahil isa siyang professional artist na marunong i-separate ang kanyang personal na buhay sa trabaho.


Sa kabila nito, ipinahayag naman ni Kathryn Bernardo na wala siyang balak na makipagbalikan kay Daniel Padilla at handa na siyang maglook forward sa kanyang buhay.


Samantala, naging masaya naman ang unang pasko ni Kathryn Bernardo na hiwalay na sila ni Daniel Padilla dahil kasama naman niya ang kanyang pamilya.


Makikita pa sa mga ibinahaging larawan ng ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo sa Instargram nito ang mga kaganapan ng kanilang Christmas celebration.


Makikita naman sa mga nasabing larawan na nakakangiti na si Kathryn na tila ba ay talagang nakapag-move on na ito sa nangyari sa relasyon nila ni Daniel Padilla,


Ikinagulat pa ng ilang mga fans, nang mapansin na binati ni Karla Estrada, ina ni Daniel Padilla, ang pamilya Bernardo ng Merry Christmas sa comment section ng post ni Mommy Min.


Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na baka hindi naman totoo ang isyu na kumakalat ngayon patungkol kina Andrea Brillantes at Daniel Padilla dahil tila maayos naman ang pamilya nilang dalawa.


Kung sakaling totoo man umano na may kasalanan si Daniel kay Kathryn Bernardo ay tiyak naman umano na mahihiya si Karla na batiin pa ang pamlya ni Kathryn Bernardo gayung ang anak naman niya ang may kasalanan.


Subalit, marami naman ang mga netizens na nag-intriga kung bakit hindi nagreact o nagreply ang ina ni Kathryn sa pagbati ni Min Bernardo.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo