Andrea Brillantes Inamin Mismo Kay Kathryn Bernardo Na May Nangyari sa Kanila Ni Daniel Padilla

Martes, Disyembre 19, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma na ng isa sa mga reliable showbiz news outlet ang pag-amin umano ni Andrea Brillantes kay Kathryn Bernardo na may nangyari sa kanila ni Daniel Padilla.


Inamin na ng contoversial actress na si Andrea Brillantes na may nangyari sa kanila ni Daniel Padilla sa mismong bahay ng aktor na katabi naman ng bahay ng ina nitong si Karla Estrada.


Ayon pa sa pag-amin ni Andrea Brillantes, si Daniel Padilla umano ang nagpapunta sa kanya sa bahay nito at doon na may nangyari sa kanilang dalawa. Inamin rin umano ni Andrea Brillantes na pilit nilang itinago sa publiko ang nangyari sa kanila noon pang November 2021.


Ayon sa mga usap-usapan, mismong si Andrea Brillantes ang nag-reach out kay Kathryn Bernardo para aminin ang kasalanang nagawa nila ni Daniel Padilla. Tinawagan ni Andrea Brillantes si Kathryn Bernardo sa telepono nito at sinabing nais niya itong makausap in person.


Pumayag naman umano si Kathryn Bernardo dahil sa pagkakaalam niya ay magkaibigan naman sila. Nagpunta sa studio ni Kathryn Bernardo si Andrea Brillantes ng madaling araw at lasing, doon na inamin ang naging ugnayan nila ni Daniel Padilla. Bukod sa pag-amin ni Andrea Brillantes, ipinakita pa niya kay Kathryn Bernardo ang palitan nila ng mensahe ni Daniel Padilla.


Nangyari umano ang una at huling pagtatagpo nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla noong November 2021 sa mismong kaarawan ni Karla Estrada. Bagama't magkatabi ang kanilang bahay, wala umanong alam si Karla Estrada na may ginagawang kalokohan na pala si Daniel Padilla at Andrea Brillantes.


Noong panahon na iyon ay 18 years old pa lamang si Andrea Brillantes, si Kathryn Bernardo naman ay 25 years old habang si Daniel Padilla ay 26 years old.


Kasama rin sa ipinakitang mga messages ni Andrea Brillantes kay Kathryn Bernardo ay ang mensahe ni Daniel Padilla kung saan sinabihan nito si Andrea na 'Ayusin mo yan' dahil inamin ni Andrea Brillantes na may ibang nakakaalam sa kanilang lihim na ugnayan bukod sa kanilang dalawa.


Ayon naman sa mga source, ang nakaalam sa tinatagong relasyon nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla ay walang iba kundi ang bestfriend at boyfriend noon ni Andrea Brillantes na si Seth Fedelin.


Sa panahing iyon ay nasa, cool off stage ang kanilang relasyon dahil sa hindi pagkakaintindihan, natuloy ang hiwalayan nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes ng mahuli ng aktor ang mga kalokohan nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


May resibo pa umanong hawak si Seth Fedelin na magpapatunay sa totoong nangyari sa pagitan nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla noong magkarelasyon pa sila ng aktres.


Samantala, may ilang mga netizens naman ang naniniwala na totoong may pangyayari na ganito dahil noon pa man ay inamin na ni Seth Fedelin na nagsiselos siya kay Daniel Padilla.


Sa mga panahong ito, si Kathryn Bernardo ay walang kaalam-alam sa mga kalokohan ni Daniel Padilla sa kanyang likuran dahil tinatago nila ito ni Andrea Brillantes, subalit ayon naman sa mga sources, pinapayuhan na umano noon pa man ni Seth Fedelin si Andrea Brillantes na umamin na kay Kathryn Bernardo.


Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung ano ang totoong dahilan ni Andrea Brillantes kung bakit ngayon pa lamang niya inamin kay Kathryn Bernardo ang lihim nila ni Daniel Padilla makalipas ang ilang taon na paglilihim nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo