Marian Rivera Nagsalita Na Sa MMFF Awards, Walang Awards Ang Rewind!

Huwebes, Disyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang pinilahan at pinag-uusapan ng mga movie goers ang pelikulang Rewind ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.


Marami ang napahanga sa galing at husay ng dalawa sa kanilang pagganap sa kani-kanilang mga karakter sa nasabing pelikula. Marami rin ang nagsasabi na talagang nakakaantig ng damdamin ang kwento at kapupulutan pa ng maraming aral sa buhay lalong-lalo na sa mga mag-asawa at mag-partner.


Kaya naman marami ang dismayado at napapatanong kung bakit walang award na nakuha ang Rewind, at maging sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay wala ring nakuhang award.


Marami ang naghinala na may lutuan na namang nagaganap dahil kahina-hinala umano na walang nakuhang award ang pelikula na siyang top grossing film ngayong taon sa Metro Manila Film Festival.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, sa ngayon ay umaabot na umano sa mahigit, 320 million pesos ang networth ng Rewind. Kaya naman kahina-hinala umano kung bakit hindi man lamang nakakuha ng award ang pelikula na nangunguna sa takilya at pinag-uusapan.


Habang ang mga pelikula naman na hindi man lang umingay ay nakasungkit ng mga parangal.


Marami pa sa mga fans ng dalawa ang dismayado dahil buong akala umano nila magwawagi bilang best actor at best actress sina Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil maganda ang mga nakukuha nilang reviews mula sa mga nakapanood sa kanilang pelikula.


Samantala, nagpahayag naman ang aktres na si Marian Rivera ng pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang pelikula kahit pa nabigo siyang masungkit ang parangal bilang Best Actress.


Hindi man nila nakuha ang mga awards sa nagdaang Gabi ng Parangal, alam naman na ng lahat kung anong pelikula na entry sa Metro Manila Film Festival ang mas tumatak sa mga netizens at mga manonood.


Sa puso ng mga fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, alam umano nila kung sino ang karapa't-dapat sa mga awards na ibinigay lamang ng mga jury sa iba.


"Uso nman kc ang lutuan o cooking show sa award giving body mging local man or international.What else do we expect.ok png n c vilma ang manalo ng best actress khit diko pinanood pelikula nya pero wow nman si dingdong dantes ay deserve na deserve n mging Best Actor.ngulat nga ako sa husay nya sa pg arte.dpst ang pingbabasihan ng mga jurors ay yung true to life situation na nkakarelate ang mga tao at kapupulutan ng aral ang mensahe ng pelikula"


"Bastat sa amin ang Top grosser Rewind dongyan the best among the rest ha3x  Dongyan wait nyo ang titulo nyong box office King and Queen sa inyo ang huling halakhak ha3x God bless you more Dongyan"


"Marami mga darating na awards cguraduhin lang na d ang mga naandyan ang mga huradojust wait pa nd seeigalang nyo na lang kung ano kinlabasan kya lang sayang ipinakita nyong husay sa paggnapmari pa nmang awards winning bodies n darating alam nman ng sambyanang pilipino kungano at cno ang nararapat magkamit just alwys cool"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo