Annabelle Rama Kinumpirma Na Ang Hiwalayan Ng Anak Na Si Richard Kay Sarah Lahbati

Biyernes, Disyembre 8, 2023

/ by Lovely


 Tila nagbigay ng panibagong pahiwatig si Annabelle Rama patungkol sa kasalukuyang estado ng pagsasama nina Richard Gutierrez at asawa nitong si Sarah Lahbati.


Naging mapangahas ang mga sinabi ni Annabelle Rama sa naging interview ng batikang reporter na si MJ Felipe sa ABS-CBN. Matapang na tinanong ni MJ Felipe si Annabelle Rama patungkol kung nag-uusap pa ba sila ng asawa ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.


Kaagad naman itong sinagot ni Annabelle Rama at ipinahayag na wala siyang oras para kausapin si Sarah Lahbati.


Dahil sa pahayag na ito ni Annabelle Rama, lalong lumakas ang hinala ng mga netizens na naghiwalay na rin ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Bukod sa hindi pagkakaunawaan ng mga magulang nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, pinaghihinalaan din ngayon ng mga netizens na ang hindi magandang tungo ni Annabelle Rama kay Sarah Lahbati ang dahilan kaya nagwakas ang relasyon ng mag-asawa.


May mga naglabasan pang mga spekulasyon na umano'y si Annabelle mismo ang nagsabi sa anak na si Richard na iwanan na lamang si Sarah Lahbati at magpokus na lamang ito sa kanyang career sa showbiz.


Matatandaan na naging maayos ang pagtanggap ng tao sa teleseryeng pinagbibidahan ni Richard Gutierrez at muling naging matunog sa showbiz ang pangalan nito.


Ipinahayag din ni Annabelle Rama na nasa kanya ngayon ang kanyang anak na si Richard Gutierrez ng mahigit isang buwan na.


Hindi pa umano maaring magsalita ngayon si Annabelle basta ang masasabi lamang niya ay nasa kanya si Richard at mga anak nito ngayon.


Naitanong din ni MJ Felipe kung saan magsi-celebrate ng pasko ang pamilya Gutierrez, agad naman itong sinagot ni Annabelle Rama na pupunta silang Japan hanggang January 3 sila roon. Makakasama umano ang lahat ng kanyang pamilya, minus one lamang.


Hindi naman ipinahayag ni Annabelle Rama kung si Sarah Lahbati nga ba ang kanyang tinutukoy na hindi makakasama sa kanila. Gayunpaman, hinala ng mga netizens na ang aktres talaga ang tinutukoy ni Annabelle dahil hindi na rin ito kasama sa mga naunang events at gathering ng kanilang pamilya.


Matatandaan na pumutok ang balitang naghiwalay sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ng mapansin ng mga netizens na hindi na sila nagbabahagi ng mga videos at photos na magkasama sa social media.


Napansin rin ng ilang mga netizens na magkahiwalay na nilang sini-celebrate ang mga okasyon na dati naman nilang sini-celebrate ng kanilang pamilya.


Bukod pa rito, kapansin-pansin ang pagtanggal ni Sarah Lahbati sa apelyedong Gutierrez sa kanyang Instagram account.


Sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang paghihiwalay at kung ano nga ba ang totoong dahilan nito kung sakaling hiwalay na nga sila.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens na may iba't-ibang pananaw sa naging isyu ng paghihiwalay nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


"Masyado din kasi si Sarah Lahbati nakisabay sa paglipad nila Ruffa Gutierrez. Masyado niyang binago bigla iyong pagkatao niya namg dahil nakahanap siya ng Gutierez. Simple language naman siya dati, pari mga blogs niya, singtaas na ng tore pagkampay niya."


"HAHAHAHAHAH oo nga gustong gusto ko kapag annabelle ang nagsasalita straight to points kong magsalita walang siyang paki kahit cino pa jan diba parang ako lang kong magsalita diba pero tama naman siya opinion niya yon tarayyy yon pagkakasabi niya ng WALA DAWW siyang time haa na makipagusap ky labahti odiba tarayyy hahahahaha galing anabelle diba"


"Wow totoo ang anay ng tahanan. Para sabihan iwanan mo na asawa mo kung hindi ba naman salbahe."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo