Joey De Leon Binanatan Si Paolo Contis Sa Pambabast0s Nito Sa Kanila

Biyernes, Disyembre 8, 2023

/ by Lovely


 Hayagan sinupalpal at binanatan ni Joey De Leon ang panibagong host ng rebranded Eat Bulaga ng TAPE Inc. na si Paolo Contis.


Matatandaan na ipinahayag noon ni Paolo Contis na hindi pa final ang desisyon ng Intellectual Property Office patungkol sa pagkansela sa trademark registration ng TAPE Incorporated at paburan ang TVJ.


Ayon kasi sa inilabas na pahayag ng IPO, hindi nakapagbigay ng paliwanag ang TAPE Incorporated hinggil sa pinagmulan ng titulong Eat Bulaga hindi katulad ng mga pahayag ng TVJ kung saan detalyado nilang ipinaliwanag kung paano nila nabuo ang titulo ng show.


Napatunayan din ni IPO na si Joey De Leon ang unang nagkapagrelease ng title na Eat Bulaga kaya naman siya lamang din ang may karapatan na gumamit nito.


Parte ito ng Intellectual Property case na inilalaban ng TVJ para tuluyan nilang makuha ang pamagat na Eat Bulaga na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ng TAPE Inc.


Sa ngayon ay hindi pa rin ginagamit ng TVJ sa kanilang show sa TV5 ang pamagat na Eat Bulaga sa kanilang show dahil hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ito ng katapat nilang show kahit pa inilabas na ng IPO ang desisyon patungkol sa nasabing kaso.


Samantala, umaani naman ng pambabatikos ngayon ang actor-host na si Paolo Contis matapos nitong maglabas ng pahayag kung saan tila sumasawsaw siya sa isyu sa pagitan ng TAPE Incorporated at ng TVJ.


Ipinunto ng ilang mga netizens na hindi pagmamay-ari ni Paoli Contis ang Eat Bulaga at wala siyang alam sa agawan ng titulo nito kaya naman dapat lamang siyang manahimik sa isyu.


Hiniling naman ni Vic Sotto na sana ay magpakita naman ng respeto ang ilang mga artista sa noontime show na Eat Bulaga ng TAPE Incorporated kahit pa alam naman umano niya na walang respeto ang iba.


Samantala, hinihiling ngayon ng mga netizens at fans ng TVJ na sana ay magtapos na ang agawan sa titulo sa pagitan ng TVJ at TAPE Inc. Nawa'y tanggapin na lamang umano ng isang panig na hindi sila ang totoong nagmamay-ari ng show.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo