Vice Ganda May Sagot Sa Kumakalat na Balita Na Kinakasangkutan Niya sa MTRCB

Huwebes, Nobyembre 2, 2023

/ by Lovely


 Isa ang Unkabogable Star na Vice Ganda sa mga umattend sa Opulence Halloween Ball 2023 na naganap sa BGC.


Maganda ang mood ni Vice Ganda pagdating niya sa nasabing event dahil na rin siguro dahil sa muling pagbabalik sa telebisyon ng kanilang show na It's Showtime matapos ang 12 days airing suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB.


Pagkatapos ng event, hindi kaagad umuwi si Vice Ganda at sumaglit muna sa isang fast food chain na iniendorso niya.


Bagama't naka-costume pa rin si Vice Ganda, umorder pa rin siya at kumain. Ibinahagi pa ni Vice Ganda sa kanyang social media post ang paraan ng pagkain niya ng fried chicken.


Ayon naman sa ilang mga netizens na tila ito na umano ang sagot ni Vice Ganda sa isyung pinatawag umano muli siya ng MTRCB dahil sa pagkain niya ng fried chicken.


Nauna namang nilinaw ng MTRCB na walang katotohanan ang isyu at ipinagdidiinan nila na fake news lamang ang kumakalat na balita.


Sa kabilang banda, nilinaw naman ng kaibigan ni Vice Ganda na hindi planado ang pagpunta nila sa fast food chain. Bigla na lamang umanong nag-crave si Vice ng chicken.


Marami naman sa mga fans ng komedyante ang natutuwa dahil talagang tinatangkilik nito ang mga produkto na kanyang iniendorso.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo