Janice De Belen, John Estrada Sobrang Proud Sa Acting Skills Ni Kaila Estrada Sa Linlang!

Huwebes, Nobyembre 2, 2023

/ by Lovely


Janice De Belen at John Estrada labis na humahanga at sobrang proud sa ipinakitang acting skills ng kanilang anak na si Kaila Estrada sa kinabibilangan nitong serye na Linlang.


Talagang nananalaytay ang dugo ng mga premyadong aktor at aktres na sina John Estrada at Janice De Belen sa kanilan anak na si Kaila Estrada dahil sa ipinamalas nitong galing sa pag-arte sa seryeng Linlang.


Sa kamakailang episode ng seryeng Linlang, ipinamalas ni Kaila ang kanyang pambihirang galing sa pag-arte.


Marami sa mga manonood ang talagang napapatutok sa tuwing si Kaila na ang nagmomoment sa Linlang dahil sa nakakadalang pag-arte nito.


Dahil dito, nagtrending sa iba't-ibang social media platforms ang mga eksena ni Kaila.


Maging ang mga magulang ng aktres na sina John Estrada at Janice De Belen ay hindi mapigilan na ihayag sa social media ang kanilang pagiging proud sa improvement ng kanilang anak.


Sinagot ni Janice De Belen ang isang netizen na nagtag sa kanya sa tweeter kung saan pinuri nito si Kaila sa galing nito sa larangan na tila ay umaarte na umano ito ng ilang mga taon.


Humble na sagot ni Janice na tanging genes at moral support lamang ang naiambag nila kay Kaila. Ipinahayag din niya kung gaano siya ka-proud sa anak.


Maging ang premyadong actor na si John Estada ay hindi rin napigil ang sarili sa pagpuri sa kanyang anak at ipahayag kung gaano siya ka proud rito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo