Vice Ganda Billy Crawford Nagkaayos Na, Showtime Fam Kaagad Na Niyakap Si Billy

Huwebes, Nobyembre 9, 2023

/ by Lovely


 Ikinagulat ng mga madlang pipol ang muling pagbabalik nina Billy Crawford at Coleen Garcia sa It's Showtime stage.


Maging ang iba pang mga It's Showtime host ay nagulat rin sa pasabog na ito ni Vice Ganda. Hindi napigil ng mga ito na maging emosyunal dahil hindi nila lubos akalain na muli nilang makakasama sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa iisang stage.


Ang pagbabalik na ito nina Billy Crawford at Coleen Garcia bilang special guest ni Vice Ganda sa kanyang magpasikat performance kasama sina Jacky at Shan.


Ipinahayag naman ni Vice Ganda na nagkaayos na sila ni Billy Crawford.


Sa kabilang banda, humingi naman ng paumanhin si Billy Crawford sa mga madlang pipol at maging sa kanyang mga It's Showtime family.


“Makakaya niyo na rin diba na makipag-reconcile lalong lalo na sa mga taong mahalaga sa inyo, kasi si Billy is one important person sa buhay ko.”


Talagang worth the wait ang naging performance ni Vice Ganda sa Magpasikat 2023 dahil sa kanyang pasabog na special guest na noon pa man ay nais nang makita ng mga madlang pipol, ang pagbabalik muli nina Billy Crawford at Coleen Garcia sa It's Showtime kahit bilang mga guest lamang.


Matatandaan na sina Billy Crawford at Coleen Garcia ay parehong regular host noon sa It's Showtime. Umalis ang dalawa upang makapag focus sa kanilang bubuuhing pamilya.


"Well right before the wedding kasi medyo naging busy talaga. 'Yun nga one of the reasons na nag-leave muna ako sa 'Showtime,' which sa awa ng Diyos and thank you sa management dito na pinayagan naman ako to be on a leave.


"Para I can concentrate with Coleen, my marriage, the wedding planning, after the wedding nagpagawa naman ng bahay. So instead naman na magpaasa pa ako na 'oo, babalik ako, babalik ako,' I just took time off na lang," paliwanag noon ni Billy Crawford.


Naging host naman si Billy Crawford sa Lunch Out Loud isa sa mga katapat na show ng It's Showtime. Dahil dito, tila nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila ni Vice Ganda nang magkapalitan na sila ng mga parinig sa isa't-isa.


Sa muling pagbabalik ni Billy Crawford sa It's Showtime marami ang nagsasabi na totoong nagkapatawaran na ang dalawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo