Sarah Lahbati Naglabas Ng Mensahe Sa Gitna ng Hiwalayan Issue nila ni Richard Gutierrez

Huwebes, Nobyembre 9, 2023

/ by Lovely


  Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa social media ang isyu ng hiwalayan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Sa isang episode ng showbiz vlog ng beteranong showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin, ipinahayag niya na nakarating sa kanya an isyu kung saan isa sa mga itinuturong dahilan ay ang mga magulang ng mag-asawa.


Ang hindi pagkakaunawaan ng mga magulang nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang pinaniniwalaan ng marami na pangunahing dahilan kung bakit hindi na nagsasama ngayon ang mag-asawa.


"Isang source ang nagkwento sa akin na maaring may malaking partisipasyon noong nakaraang hindi pagkakaunawaan ng Mommy ni Sarah Lahbati at ni Tita Annabelle."


Bagama't matagal nang nangyari ang isyung ito at tila naayos na ng dalawa ang problema maaring  nagkaroon na ng lamat ang kanilang samahan.


"Pupwedeng naiayos na, oo pwedeng nagkalapit ulit pero mayroon nang.. pilat yung samahan."


Ipinahayag naman ni Manay Cristy Fermin na talagang sayang ang pagmamahalan ng dalawa sakaling totoong nagkahiwalay sila matapos ang mahabang taon ng kanilang pagsasama.


"Pero alam mo, sayang na sayang 'to. Ipinaglaban nila yung relasyon na yan."


Nag-ugat ang isyung naghiwalay na ang dalawa ng mapansin ng mga netizens na madalang na lamang silang nakikitang nagkakasama.


Maging sa kani-kanilang mga social media post ay wala na silang photos na magkasamang dalawa. Mga larawan na lamang nila kasama ang mga anak ang kanilang mga ibinabahagi.


Hindi namataan na dumalo sa 71st birthday party ni Annabelle Rama si Sarah Lahbati. Hindi ito pankaraniwan dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na palaging present si Sarah sa okasyon ng mga Gutierrez dahil malapit naman siya sa mga ito.


Huling nakitang magkakasama ang mga ito noon pang Hunyo nang magkaroon ng show sa ibang bansa si Richard Gutierrez kung saan sumama sina Sarah Lahbati at Annabelle.


Makikita pa sa mga ibinahaging video ang kanilang pagiging close na dalawa.


Samantala, nagbahagi naman ng isang cryptic message si Sarah Lahbati sa gitna ng hiwalayan issue nila ni Richard Gutierrez.


“How to Love the Unlovable, Be joyful. Grow to maturity. Encourage each other. Live in harmony and peace. Then the God of love and peace will be with you. 2 Corinthians 13:11”


“Another key to loving the unlovable is to look pass their behavior and see the pain and insecurity motivating their action. Everyone has a past that prompts their present behavior. That doesn’t excuse their actions but greater understanding paves the way for greater compassion and emphaty.”


“As a follower of Christ, you are called to live in harmony with them forgiving them because God has forgiven you.”


Sa kabilang banda, marami ang positibo na maaring nagkatampuhan lamang ang dalawa at may pagkakataon pang magkabalikan ang mga ito.


Samantala, may ilang mga netizens ang nagsasabi na baka gimik lamang ito ng dalawa upang umingay ang kani-kanilang  mga pangalan sa mundo ng showbiz na karaniwan nang ginagawa sa tuwing may panibagong pelikula o teleserye ang artista.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo