Bff Ni Kathryn Bernardo Na Si Alora Sasam Kinumpirma Ang Hiwalayan Ni Daniel, Kathryn!

Huwebes, Nobyembre 9, 2023

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms at mga entertainment news sites ang balitang may posibilidad umano na naghiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Dahil sa pagputok ng balitang ito, marami sa mga KathNiel fans ang nagtatanong kung may katotohanan nga ba ang isyung ito o kaya naman ay pawang kathang isip lamang ng mga taong pilit na pinapabagsak ang tambalan ng dalawa.


Samantala, may mga nakapansin naman na mahigit dalawang buwan na umanong hindi nakikitang nagkakasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Naging abala si Kathryn Bernardo sa pagpopromote sa kanyang movie kasama si Dolly De Leon na A Very Good Girl.


May mga nakapansin din na tila hindi man lang umano tumulong si Daniel Padilla sa pagpopromote sa nasabing movie ni Kathryn kahit ipost man lang ito sa kanyang social media.


Hindi rin umano nanood si Daniel Padilla nang i-launch sa mga sinehan ang pelikulang pinagbibidahan ni Kathryn Bernardo kahit wala naman siyang katambal rito.


Maging sa pagbabaksyon ni Kathryn Bernardo sa Indonesia ay hindi niya rin kasama si Daniel Padilla tanging ang kanyang malapit na kaibigan na si Alora Sasam lamang ang naging partner niya roon.


Naging masaya naman ang pagbabakasyon ng dalawa sa Indonesia. Marami silang ginawang enjoyable moments para masulit talaga ang kanilang pagbabakasyon.


Labis na ikinabahala ng mga netizens ang hindi pagpunta ni Daniel Padilla sa Bali, Indonesia upang sundan ang pagbabakasyon ni Kathryn.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na palaging sinasamahan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo sa kanyang pagbabakasyon o di kaya ay palagi niyang sinusundan ang dalaga.


Samantala sa isang TikTok post ni Alora Sasam, tila nagbigay ito ng pahiwatig patungkol sa estado ng relasyon ngayon ng KathNeil.


Makikita sa TikTok video ng dalawa ang kanilang pagsayaw habang kumakain ng ice cream.


"Nag-ice cream siya.... pero nung isang araw umiyak ka. Nakatulog ka na sa iyak mo huh."


Lalo itong nakadagdag sa pangamba ng kanilang mga fans na may hindi magandang nangyayari o kaya naman ay may tampuhan ng dalawa.


Sa ngayon ay naging usap-usapan din ang pagkakaugnay nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes na umano'y palihim na nagkikita mula pa noong nakaraang taon habang sina Seth Ferdelin pa at Andrea Brillantes ang magkasintahan.


Sa kabilang banda, hindi pa nagbibigay ng pahayag sina Daniel Padilla at maging si Kathryn Bernardo hinggil sa isyung ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo