Tunay Na Pagkatao Ng Suspek Sa Pagkawala Ni Catherine Camilon

Miyerkules, Nobyembre 15, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang nawawalang Miss Grand Philippines 2023 candidate at isang public school teacher na si Catherine Camilon.


Huling nakita si Catherine Camilon noong October 12, 2023 sa isang mall. Mula noon ay hindi na nakita pa ang dalaga.


Isa sa mga persons of interest sa pagkawala ng dalaga ay ang karelasyon nitong pulis na nakilalang si Police Major Allan De Castro.


Patuloy pa ring pinaghahanap ng kanyang pamilya at ng mga kapulisan ang nawawalang si Catherine Camilon. Sa pag-usad ng imbestigasyon may lumutang testigo kung saan sinabi nilang nakita nila ang dalaga na duguan at inilipat sa ibang sasakyan.


Subalit, hindi umano sila nakatawag ng tulong dahil tinutukan sila ng baril ng mga salarin.


Na-recover na rin ng mga kapulisan ang sinasabing sasakyan na isang pulang CRV. Nakitaan naman ng traces ng dugo at mga hairstrands ang sasakyan.


Kabilang naman sa mga pinaghihinalaang sangkot sa krimen ay ang isang pulis na karelasyon umano ni Catherine si Police Major Allan De Castro.


Sa ngayon ay kasalukuyang naka-relive sa posisyon ang sinasabing pulis na sangkot sa krimen.


Si Police Major Allan De Castro ay nasa 40 years old na. Gumraduate siya sa Philippine National Police Academy class of 2008.


Siya ay na-assign sa Batangas PNP bilang Deputy ng Drugs Enforcement Unit.


Si Police Major Allan De Castro ay napag-alamang mayroong asawa at may dalawang anak. Gayunpaman, kinumpirma ng kaibigan ni Catherine Camilon na totoong may romatic relationship ang dalawa.


Base sa mga naging pahayag ng kaibigan at kapatid ni Catherine Camilon, lumalabas na isang mapanakit na tao si Allan De Castro.


Sa tuwing nalalasing ito ay sinasaktan niya si Catherine Camilon. Napatunayan ito sa mga nakuhang conversations nina Catherine at kanyang kaibigan kung saan nagconfide ang dalaga sa pananakit ni Allan De Castro sa kanya.


Sa pag-usad ng kaso, napag-alaman na tila hindi nagustuhan ni Allan De Castro ang pagsusumbong ni Catherine sa kanyang asawa sa totoo nilang kaugnayan.


Tila hindi pa umano handa si Allan De Castro na tuluyang iwanan ang kanyang pamilya.


Muli na naman umanong sinaktan ni Allan De Castro si Catherine at mula noon ay palagi na silang nag-aaway. Napagdesisyunan umano ni Catherine na makipagkita kay Police Major Allan Camilon at mula noon ay hindi na nakita si Catherine.


Hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ni Allan De Castro hinggil sa kinaroroonan ni Catherine. Patuloy rin nitong tinatanggi ang ugnayan nilang dalawa at ang pinagbibintang sa kanya.


Iginiit ni Allan De Castro na noong October 12, ay nasa headquarters lamang siya.


Gayunpaman, lumabas sa imbestigasyon ang mga ebedinsyang nagtuturong may kinalaman siya sa naganap na krimen.


Samantala, naniniwala ngayon ang mga netizens na tuluyan nang pumanaw si Catherine Camilon. Subalit, naniniwala pa rin ang mga kaanak nito na buhay pa rin ang dalaga at pilit lamang tinatago ng mga salarin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo