Eric Fructuoso, Toni Gonzaga, Magkaiba Ang Pahayag Tungkol Sa Totoong Namagitan Sa Kanila

Miyerkules, Nobyembre 15, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang isiniwalat ng aktor at dating myembro ng gwapings na si Eric Fructouso sa programa ng GMA7 na Sarap Di Ba? na pinangungunahan ni Carmina Villaroel.


Ikinagulat ng maraming netizens ang ibinunyag ni Eric Fructuoso patungkol sa totoong ugnayan nila noon ng actress-host na si Toni Gonzaga.


Naitanong kay Eric Fructuoso kung nagkaroon nga ba sila ng relasyon noon ni Toni Gonzaga.


Kaagad namang inamin ni Eric Fructuoso na mayroon silang naging relasyon noon ni Toni Gonzaga.


Pagbubunyag pa ni Eric Fructuoso, kung i-estimate niya umano ang buong taon ng ligawan at in a relationship stage nila ni Toni Gonzaga ay aabot ito ng tatlong taon.


“Parang hindi ko in-expect yun ha. Oo, meron. Siguro rough estimate lahat-lahat, kasama na yung wala lang ‘tsaka yun may commitment siguro mga almost 3 years.”


Naguluhan naman ang ilang mga netizens dahil sa mga naging panayam noon kay Toni Gonzaga, palagi nitong iginigiit na una at huling boyfriend niya ang napangasawang si Paul Soriano.


Sa naging panayam noon kay Toni Gonzaga, sinabi niyang maituturing na answered prayer niya si Paul Soriano. Ipinahayag pa noon ni Toni Gonzaga na nagpaalam muna siya sa kanyang Mommy Pinty noon bago sagutin si Paul Soriano.


“He’s my first boyfriend, in-open ko ito sa oubliko ‘coz I think my fans or people who trust me, who look up to me deserve that honesty from me.


“I feel that I’m responsible for all of the actions, decisions I make, and I see to it, if I make something like a decision, it’s something that I wouldn’t regret.”


Iginiit din ni Toni Gonzaga na unang nobyo niya si Paul Soriano at hindi umano niya ito itatago dahil sa isyung tomboy siya, bukod sa deserve naman ng kanyang mga fans ng honesty.


Dahil sa pagsisiwalay ngayon ni Eric Fructuoso na naging magkasintahan sila noon ni Toni Gonzaga, napapatanong ang mga netizens kung sino nga ba sa kanila ang nagsasabi ng totoo.


Matatandaan na hindi rin ito ang unang pagkakataon na isiniwalat ni Eric Fructuoso ang naging relasyon nila noon ni Toni Gonzaga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo