Kim Chiu May Patamang Hugot Para Sa Mga Taong Umiibig

Miyerkules, Nobyembre 15, 2023

/ by Lovely


 Viral at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang naging hugot ni Kim Chiu sa It's Showtime.


Marami ang naghinala na ang mga naging pahayag ngayon ng actress-host ay may kaugnayan pa rin sa napapabalitang hiwalayan nila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.


Kaya naman na sa tuwing patungkol sa pag-ibig ang topic ng mga hosts sa It's Showtime, palaging inaabangan ang pahayag ni Kim Chiu.


Sa segment na Tawag ng Tanghalan, pinag-usapan nina Tiyang Amy, Vhong Navarro at Kim Chiu ang buhay pag-ibig ng TNT contender dahilan para magbigay ng mga payo ang It's Showtime hosts.


Nabaling naman ang atensyon ng mga madlang pipol kay Kim Chiu dahil sa naging payo nito sa TNT contender.


Ayon kay Kim Chiu, dapat babaan ang expectation. Dahil kapag mataas umano ang expectation sa isang tao, at the end of the day ikaw pa rin ang masasaktan.


"Lower your expectation because if you expect to much to tha person at the end of the day ikaw pa rin ang masasaktan. Life goes on, tingin ka lang ng deretso kasi ang haba-haba pa ng daan."


Agad namang napareact ang mga Madlang Pipol sa naging pahayag ni Kim Chiu, dahil marami ang nakarelate sa naging hugot ng actress-host.


Dahil naman sa naging pahayag na ito ng aktres, lalong umingay ang isyung may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Kim Chiu at nang kanyang boyfriend na si Xian Lim.


Mapapansin din kasi na sa mga nagdaang episode ng It's Showtime ang pang-aasar ng mga host kay  Kim Chiu hinggil sa relasyon nila ni Xian Lim.


Sa kabilang banda, naniniwala pa rin ang mga KimXi sa naunang pahayag ni Kim Chiu na maayos naman sila ni Xian Lim at palagi pa rin silang nagkakausap.


Naniniwala ang mga KimXi fans na nag-laylow lamang muna ang dalawa dahil may kanya-kanyang teleserye kung saan may mga ka-loveteam sila.


Pinuri pa ng kanilang fans ang pagiging professional ng dalawa dahil alam umano ng mga ito kung paano paghiwalayin ang personal na buhay sa kani-kanilang mga trabaho.


Matatandaan na nag-ugat ang hiwalayan isyu ng dalawa nang mapansin ng mga netizens na hindi na sila nagkakasama maging sa mga special events.


Hindi rin sila nagbabahagi ng updates sa kani-kanilang social media patungkol sa kanilang relasyon.


Samantala, narito naman ang ilang komento ng mga netizens.


"Huwag ng pag-usapan si Xian walang paninindigan sa girlfriend makasarili sayang favorite ko pa naman sila ni kim. Kim let him go sayang lang panahon mo sa kanya. Good luck sa career mo makita mo more blessings darating saiyo because you have a big heart to everyone"


"C xian noon p d n ready mgpakasal nkfocus sya s mgasenior nyang alaga mama, lola n lolo sabi nya walang iwanan kaya d priority ang pag aasawa kaya sabi nya noon pgnttanong sya kung anong edad sya mah aasawa sabi nya 40 up"


Sakabilang banda, pinanghahawakan pa rin ng ilang mga tagahanga ang hindi pa buradong mga larawan nilang magkasama sa kani-kanilang Instagram accounts.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa sa mga batayan ngayon sa hiwalayan ng mga couple ay ang pagbubura ng mga larawan na magkasama sa Instagram at ang pag-uunfollow sa isa't-isa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo