Rendon Labador, Rosmar Tan, Nagkasagutan Sa Facebook

Huwebes, Nobyembre 30, 2023

/ by Lovely

Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mainit na sagutan ng social media personalities na sina Rendon Labador at Rosmar Tan.


Nag-ugat ang lahat nang patutsadahan ni Rendon Labador ang CEO at social media personality na si Rose Marie Tan-Pamulaklakin na mas kilala bilang si Rosmar Tan sa umano'y katangahan nito sa pagsisiwalat na kumita siya ng mahigit 13 million kada araw sa kanyang mga negosyo.


Ibinahagi rin ni Rendon Labador sa kanyang Facebook account ang screenshot ng isang online article, na nagpapakita sa calculations sa babayarang buwis ni Rosmar mula sa kanyang mga kinikita.


"Patunay na hindi talaga nabibili ang katangahan," caption ni Rendon Labador sa kanyang post.


Nagkomento rin si Rendon Labador sa post niyang ito kung saan naglabas siya ng bugtong patungkol sa mga taong nagyayabang sa kanilang pera.


"BUGTONG BUGTONG: Kung ang tawag sa taong may pera at tahimik ay matalino, ano naman ang tawag sa taong may pera at mayabang?"


Hindi pa rito natatapos ang post ni Rendon Labador sa kanyang reaksyon sa aniya'y pagmamayabang ni Rosmar sa kanyang kinikitang pera.


"Kung nagbabayad pala ng TAX magkakampi tayo diyan. Tama yan! Lablab tayo diyan. Pero yung pagyayabang ninyo at sobra-sobrang pagpi-flex kaysa tumulong sa taumbayan ay isang malaking katangahan."


Dagdag pa ni Rendon Labador, "Mga ignorante at social climber lang gumagawa niyan."


Sunod-sunod pa ang mga naging pambabanat ni Rendon Labador kay Rosmar Tan.


"Naka sports car ka nga pero tanga ka naman. Edi mas gusto ko nalang sumakay sa Jeep, natulungan mo pa mga driver kumita."


"Posponed muna ang #LablabLabador. Dumadami nanaman ang katangahan dito sa internet."


"Nagbabago na kasi ako pero pakiusap naman na huwag naman kayong tanga."


"Diba may kamag-anak kang ignorante, kapag nakahawak lang ng konting pera eh akala mo kung sino na. Ang totoong mayayaman, never nagfflex yan.. madalas nga tumutulong nalang mga yan o kaya nag mo-motivate nalang ng kapwa."


"Alam mo ba kung bakit kinakabahan akon ngayon? Kasi ang tanga kapag nagkapera ay delikado, madaming tao ang pwedeng mapahamak. Kaya ako kabado ngayon Mukhang kailangan ko ulit patalinuhin ang Pilipinas."


"Kahit may picture kayo ng BIR hindi naman nakakatalino yan. Akala mo ba maipapasa yung utak sayo? Kung tanga ka talaga kahit dumidikit ka sa matalino tanga ka pa rin. Madalas kasi ginagawa lang yan ng mga taong humihiram ng credibility sa iba, yung alam nilang wala silang ibubuga. Mas nakakababa pa nga ng pagkatao yan sa tingin ko."


Kaagad namang nagreact si Rosmar sa mga binitawang pahayag ni Rendon Labador, kung saan ilang beses siya nitong tinawag na tanga.


Pinalagan ni Rosmar ang naging pambabanat sa kanya ni Rendon Labador.


"Pasensya na kayo  kung tumatahol yung labrador ko. Panay motivational rice kasi kinakain walang nutrisyong nakukuha. paano ayaw ng Dog Food."


"Kakawala lang ng FB mo ayan ka na naman. ako naman ngayon trip mo. Di mo alam mas malakas ang super powers ko. Alam niyo na dapat gawin."


Bagama't wala namang binanggit na pangalan si Rosmar sa kanyang post alam na ng mga netizens na si Rendon Labador talaga ang kanyang tinutukoy.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo