Mr. Nawat, Galit Na Galit Kay Mj Lastimosa, Hindi Na Welcome Sa Miss Grand Pageant!

Huwebes, Nobyembre 2, 2023

/ by Lovely


 Pinagbabawalan ng founder at president ng Miss Grand International pageant Mr. Nawat Itsaragrisil si MJ Lastimosa na tumapak at pumunta sa kanyang pageant dahil sa kanyang galit sa huli.


Nag-ugat ang galit ni Mr. Nawat kay Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa sa isang vlog kung saan tinanong ni MJ Lastimosa ang kanyang guest kung ano ang worst beauty pageant in the Philippines.


Agad naman itong sinagot ng kanyang guest na ang Miss Grand Philippines at Miss Grand International ang pinakaworst.


Matatandaan na naunang ipinahayag ni Mr. Nawat ang kanyang disappointment kay Miss Grand Philippines 2023 Nikki De Moura matapos itong mag-walk out sa final show ng MGI matapos hindi makapasok sa top 20.


Tila nadagdagan ang galit ni Mr. Nawat sa mga Pilipino at sa Pilipinas nang pagtawanan nina MJ Lastimosa ang Miss Grand sa kanilang vlog.


Tila friendship over na ang talaga at hindi na pinapapunta ni Mr. Nawat si MJ sa Miss Grand International kahit kailan. Magmula din umano ngayon ay hindi na sila magkakilala.


Bukod dito, sinabihan din ni Mr. Nawat na 'no brain at no mind' si MJ Lastimosa. Ipinagdidiinan pa ng MGI CEO na below standard ang dating beauty queen.


Sa kabilang banda, naglabas naman ng mga pahayag ang ilang MGI beauty queens kabilang na si Miss Grand International 3rd Runner up.


“There are’nt enough words to describe this experience and how many door have opened because of MGI! It’s sad to see people who haven’t experience it try to bring it down. As they say if you have naothing nice to say don’t say anything at all.”


@nikkidemourafan No Brain No Mind not even 0.0001? Huwayyyy Kakk😔 #mjlastimosa #nawat #fyp ♬ original sound - Nikki Advincula de Moura - Fan

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo