KC Concepcion, Inamin na Hiniling Niyang Magkabalikan Ang Kanyang Mga Magulang

Huwebes, Nobyembre 2, 2023

/ by Lovely


Ibinunyag ni KC Concepcion na nawalan na siya ng pag-asa na muling magsasama-sama ang kanyang mga magulang pagkatapos ng kanilang paghihiwalay noong 1993.


Sa kanyang vlog na in-upload niya pagkatapos ng ‘Dear Heart’ reunion concert ng kanyang mga magulang na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta, isiniwalat ni KC Concepcion na ang makita ang kanyang ama at ina sa iisang stage ay isa sa kanyang childhood dream.


Ibinunyag pa ni KC na madalas niyang hilingin noong bata pa siya kay Santa Claus na magkabalikan at magkakasamang muli ang kanyang mga magulang.


“I remember I would ask Santa Claus to hopefully bring them back together because I so wanted to have a complete family, and I knew that they loved each other and that the Philippines is so small that they could just run into each other and they’re both actors,” saad ni KC.


Gayunpaman, hindi umano natupad ang kanyang hiling nang magkaroon ng mga bagong pamilya ang kanyang mga magulang.


Mula noon ay hindi na rin nakikita ng aktres na magkaibigan at nag-uusap ang kanyang mga magulang, kaya naman nagulat din siya nang malamang may reunion concert ang mga ito.


“Never in my wildest dreams did I think that I would still be able to experience sharing moments with the two of them together—laughing, smiling, talking. I don’t really remember them being friends when I was growing up, so I never really thought that it would be possible to see them in one place, just OK and on good terms.”


Dagdag pa ng aktres, “When I was reading the script, parang mangiyak-ngiyak talaga ako kasi ang dami kong hindi alam about their love team and professional life. Para akong kinakabahan dahil hindi lang siya show for me, it’s my life.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo