Kim Chiu Pagod Na Nag-Walkout Matapos Tanungin Ang Estado Ng Relasyon Nila Ni Xian Lim

Miyerkules, Nobyembre 29, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang tila pagwalk-out ng Chinita Princess na si Kim Chiu sa isang interview sa premiere night ng In His Mother's Eye.


Habang kinakausap ng ABS-CBN reporter si Kim Chiu patungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim.


Hindi pa umano naiinterview ni MJ Felipe si Kim Chiu kaya naman nais niya itong makausap. Gayunpaman, tumanggi si Kim Chiu na makipag-usap kay MJ Felipe lalo na kung patungkol lamang ito sa relasyon nila ni Xian Lim.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na madaling umiyak si Kim Chiu sa mga panayam kaya naman tila umiiwas muna ito sa mga interviews lalo na kung patungkol sa kanyang personal na buhay.


Sa ngayon ay wala pang showbiz reporter at mga showbiz talk show hosts ang nakapag-interview kay Kim Chiu patungkol sa kanilang hiwalayan ni Xian Lim. Gayung kalat na kalat na ang kanilang isyu.


Samantala, dahil sa pagtanggi ni Kim Chiu sa isang panayam, lalong lumakas ang hinala ng mga KimXi fans na tuluyan nang naghiwalay ang dalawa.


Tila malabo na rin umano na magkabalikan sa pagkakataong ito ang dalawa dahil umiiwas na ngayon si Kim Chiu na mapag-usapan ang relasyon nila ni Xian Lim.


Matatandaan na hindi naman iniiwasan noon ni Kim Chiu ang mga katanungan patungkol sa kanyang boyfriend na si Xian Lim. Mapapansin rin noon ang kakaibang ngiti at saya ni Kim Chiu sa tuwing napag-uusapan si Xian Lim.


Subalit naiiba na ngayon dahil kapansin-pansin ang lungkot ni Kim Chiu sa tuwing si Xian ang napag-uusapan, minsan ay pilit pa niyang iniiba ang usapan upang makaiwas.


Marami naman sa mga KimXi fans ang nalulungkot ngayon dahil buong akala nila ay magkakatuluyan na ang dalawa dahil matagal na rin ang kanilang pagiging magboyfriend-girlfriend.


Marami pa ang nag-akala noon na sa kasalan din mapupunta ang kanilang pag-iibigan dahil makikita naman na mahal na mahal nila ang isa't-isa.


Subalit, bigla na lamang kumalat ang isyung naghiwalay ang dalawa nang mapansin ng mga netizens na hindi nagkakasama ang dalawa sa mga bakasyon at mga special events na dati namang dinadaluhan nila na magkasama.


Sa ngayon ay panawagan ng mga netizens at KimXi fans na sana ay linawin na ni Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang isyu upang tumigil na ang kanilang mga fans.


"Pwede mo naman sabihin na hiwalay na kayo walang paligoy ligoy"


"dapat kim.sabihin muna para tapos na.. wag mong ipilit wag patagalin.  idol. .anditu lang kami.."


"Okay lang kong hiwalay sina kim at xian ang importante sabihin nila ang totoo. Nakakainis!!!!!"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo