Direk Darryl Yap May Alam Sa Rason Ng Hiwalayan Ni Kim Chui at Xian Lim

Miyerkules, Nobyembre 29, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang inilabas na blind item ng controversial director na si Direk Darryl Yap sa kanyang Facebook account patungkol sa isang lalaking artista na na-booking ng isang international singer.


Marami sa mga netizens ang napapa-isip kung sino ang lalaking tinutukoy ni Direk Darryl Yap sa kanyang blind item.


Marami ang naghinalang may kaugnayan ang blind item na ito ni Darryl Yap sa napapabalitang hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim dahil si Xian Lim umano ang tinutukoy ni Direk Darryl Yap sa kanyang ibinahaging post sa Facebook.


"Basta, may alam akong lalakeng artista na  nabooking ng international singer na pumunta dito sa bansa kamakailan lang.

nagcheck-in sila. 2 nights.

parang 1M per night.

pero malay naman natin kung ano’ng ginawa nila,

baka nagkantahan lang sila ng “unholy”."


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang kumanta ng Unholy ay ang singer na si Sam Smith na kamakailan lamang ay nag-concert rito sa Pilipinas.


Bukod kay Xian Lim, nabanggit rin ang pangalan ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda na siyang tinuturong lalaking na-booking ng international singer dahil sa isang clue na ibinigay ng direktor.


"kapag nacompute mo sa “FLAMES”

ang pangalan ni INTERNATIONAL SINGER at HINDI KAPAMILYA ACTOR, “E” ang lalabas…

E as in EKEDE, 

EKEDE MENELE."


Iginiit naman ni Darryl Yap na hindi si Mark Bautista ang kanyang tinutukoy sa kanyang blind item.


Samantala, maging ang ilang kilalang celebrity ay napapaisip din kung sino nga ba ang tinutukoy ni Darryl Yap sa kanyang blind items, kabilang na rito si Aiko Melendes.


"Darryl Yap, grabe direk patulog nalang ako napaisip pa ako now habang natatawa ang hirap naman yern."


Samantala, nagbigay na ng pahayag ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda hinggil sa pagkakadawit niya sa pa-blind items ni Darryl Yap.


Inilabas niya ito sa pamamagitan ng kanyang Facebook page subalit agad din niya itong binura kalaunan, gayunpaman, marami na sa mga netizens ang nakakuha ng screenshots.


“Kaniya-kaniya naman ‘yan. Nirerespeto ko naman lahat ng ano, kung papaanong tinatanggap ng mga tao ‘yong mga ganiyang bagay. Feeling ko naman, hindi naman galit ‘yon si Direk Darryl Yap sa akin. 


"Hindi naman siya nag-drop name or nagbigay ng ano… ‘Yong mga tao talaga nagbibigay ng pangalan ko. Hindi ko naman sila kilala ‘di ba? Hindi rin naman nila ako kilala,” pahayag ni Kelvin Miranda.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo