Lolit Solis, Hinam0n si Cristy Fermin

Biyernes, Nobyembre 24, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis laban sa kapwa veteran columnist na si Cristy Fermin laban sa mga pambabatikos ng huli sa mga talents na hinahawakan niya.


Sa wakas ay hayagan nang inaksyunan ni Lolit Solis ang kanyang dating kasamahan na si Cristy Fermin sa gitna ng mga batikos na ibinabato ng huli laban sa kanyang mga talent, sa kanyang Instagram account.


Sa kanyang post sinabi ni Lolit Solis na siya na lamang ang batikusin nito sa halip na ang kanyang mga talents na wala namang ginagawa.


Ayon sa kanya, gusto niyang maging malinaw si Cristy sa kanyang intensyon at dapat na itigil ang pagpapasaring sa kanya sa pamamagitan ng kanyang mga talents.


“Pangit iyon nasa isang mundo kayo tapos tago iyon nararamdaman mo, Salve. Mula’t sapul naging ugali ko na iclear kung anuman iyon feeling ko makabigat sa balikat ko. Gusto ko mahaharap ko lahat nang hindi kailangan maging plastic. Either gusto mo ako o ayaw mo, mas mabuti ang ganuon kesa naman plastikan kayo,” pahayag ni Lolit Solis.


Dagdag pa niya, “Kaya gusto ko klaro lahat sa amin ni Cristy Fermin. Kung galit siya sa akin, ako na lang tirahin niya huwag mga alaga ko. Gaya nuon panay ang tira niya kay Paolo Contis. 


"Ngayon naman si Lorna Tolentino. Gusto ko klaro, mga alaga ko ba ang galit siya, o sa akin siya galit? At bakit ? May nagawa ba mga alaga ko, o ako na mali sa kanya ? Sabihin niya para klaro. Para hindi iyon magtatanong ka pa.”


Sina Cristy Fermin at Lolit Solis ay kilala sa bansag bilang mga pambansang marites ng Pilipinas.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng pahayag si Cristy Fermin hinggil sa paghahamon sa kanya ng dating kasamahan na si Lolit Solis.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo