Kaila Estrada, Naglabas Ng Mensahe Para Sa Kanyang Ama

Miyerkules, Nobyembre 22, 2023

/ by Lovely


 Hindi napigilan ng Kapamilya actress na si Kaila Estrada na maging emosyunal sa isang panayam ni Bernadette Sembrano lalo na nang magbigay siya ng mensahe para sa kanyang ama na si John Estrada.


Noon pa man ay hinahangad na umano nila ang pagkakataon na maging maayos ang kanilang relasyon kaya naman labis siyang nagpapasalamat ngayon.


"Siguro kay dad, thank you kasi... ito 'yung time na, Parang 'yung relationship namin kasi, ito 'yung hinahanap namin noon pa. So I'm glad na we're at this point in our lives already na okay talaga kaming lahat. And it really, truly is a blessing."


 Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na mula sa isang broken family si Kaila Estrada. Bata pa lamang siya nang magpasyang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Hindi rin naging maganda ang hiwalayan ng mga ito kaya naman hindi sinasadyang nadadamay silang magkakapatid.


Gayunpaman. malaki pa rin ang pasasalamat ni Kaila sa kanyang ina na si Janice De Belen sa pagtataguyod sa kanilang magkakapatid.


Subalit ngayon, walang pagsidlan ang kasiyahan ni Kaila dahil sa pagiging present na umano ni John sa kanilang magkakapatid. 


"Thank you kasi, You really made an effort din to become close to us," pahayag ni Kaila.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo