Miss Universe Ph, Ipinaliwanag Ang Dahilan Ng Pagpapaalis Ky Michelle Dee Sa TV Guesting Sa Mexico

Miyerkules, Nobyembre 22, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang Miss Universe Philippines Organization hinggil sa mga kumakalat na video sa social media na umano'y pinagkaisahan si Michelle Dee sa naganap na guesting nila sa Mexico.


Bilang tugon sa nasabing viral video na kumakalat ngayon, naglabas na ng pahayag ang Miss Universe Philippines Organization upang linawin ang mga pangyayari na nakapalibot sa isang insidente kung saan lumalabas na pinaalis si Michelle Dee sa isang guest appearance sa isang Mexican television show.


Makikita sa video, ang paglapit ng dalawang babae kay Michelle Dee upang i-escort siya palayo sa mga kasamahan habang nagsasagawa ng photo opt.


Nang makaalis sa stage tila pinag-uusapan si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ng mga nakasama niya entablado kabilang na ang may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip at mga kapwa contestant mula sa Lebanon, Germany, Colombia, Thailand, at USA.


Sa gitna ng espekulasyon at pag-aalala ng ilan sa mga tagahanga ni Michelle na naniniwalang maaaring nahaharap ito sa kahihiyan o pambu-bully, tinugunan ng Miss Universe Philippines Organization ang sitwasyon sa kanilang Facebook pos. 


Ayon sa Miss Universe Philippines Organization, na ang pag-alis ni Michelle ay nangyari pagkatapos ng segment. Nilinaw din nila na ang pag-alis ni Michelle ay dahil nagpaalam itong magpahinga na muna dahil sumakit ang ulo nito dahil sa busy schedule.


Hiniling umano mismo ni Michelle Dee na bumalik na siya sa kanyang tinutuluyang hotel room upang makapagpahinga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo